Mga Awit Chapter 80

For English

Read Mga Awit Chapter 80 Online

Read Mga Awit Chapter 80 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Awit and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Awit 80

Kabanata 80

1. Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel, ikaw na pumapatnubay sa Jose na parang kawan; ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.

2. Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay mapukaw nawa ang kapangyarihan mo, at parito kang iligtas mo kami.

3. Papanumbalikin mo kami, Oh Dios; at pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.

4. Oh Panginoong Dios ng mga hukbo, hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?

5. Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha, at binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.

6. Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa: at ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.

7. Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo; at pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.

8. Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Egipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.

9. Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya, at napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.

10. Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon, at ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.

11. Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat, at ang kaniyang mga suwi hanggang sa ilog.

12. Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod, na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?

13. Sinisira ng baboy-ramo, at sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.

14. Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo: tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,

15. At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan, at ang suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.

16. Nasunog ng apoy, at naputol: sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.

17. Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan. Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.

18. Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo: buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.

19. Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo; pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.

About Mga Awit Chapter 80

Read Mga Awit Chapter 80 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Awit
Chapter: 80
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Awit. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Awit Chapter 80 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Awit Chapter 80?

Mga Awit Chapter 80 is part of the Book of Mga Awit in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Awit Chapter 80 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Awit Chapter 1
  3. Mga Kawikaan Chapter 3
  4. Mga Kawikaan Chapter 16
  5. Mga Kawikaan Chapter 12
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 28

Explore More from Mga Awit

  1. Mga Awit Chapter 6
  2. Mga Awit Chapter 78
  3. Mga Awit Chapter 150
  4. Mga Awit Chapter 75
  5. Mga Awit Chapter 128
  6. Mga Awit Chapter 16
  7. Mga Awit Chapter 20

Related Chapters & Readings

  1. 1 Cronica Chapter 28
  2. Joel Chapter 1
  3. Mga Hukom Chapter 7
  4. Mga Awit Chapter 130
  5. Ezekiel Chapter 34
  6. 1 Samuel Chapter 14
  7. Mangangaral Chapter 11
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *