Mga Awit Chapter 33

For English

Read Mga Awit Chapter 33 Online

Read Mga Awit Chapter 33 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Awit and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Awit 33

Kabanata 33

1. Mangagalak kayo sa Panginoon, Oh kayong mga matuwid: pagpuri ay maganda sa ganang matuwid.

2. Kayo'y mangagpasalamat sa Panginoon na may alpa: magsiawit kayo ng mga pagpuri sa kaniya na may salterio na sangpung kuerdas.

3. Magsiawit kayo sa kaniya ng bagong awit; magsitugtog kayong matalino na may malaking ingay.

4. Sapagka't ang salita ng Panginoon ay matuwid; at lahat niyang gawa ay ginawa sa pagtatapat.

5. Iniibig niya ang katuwiran at kahatulan: ang lupa ay puno ng kagandahang-loob ng Panginoon.

6. Sa pamamagitan ng salita ng Panginoon ay nayari ang mga langit; at lahat ng natatanaw roon ay sa pamamagitan ng hinga ng kaniyang bibig.

7. Kaniyang pinipisan ang tubig ng dagat na parang isang bunton: inilalagay niya ang mga kalaliman sa mga kalawakan.

8. Matakot nawa ang buong lupa sa Panginoon: magsitayo nawang may takot ang lahat ng taga sanglibutan sa kaniya.

9. Sapagka't siya'y nagsalita, at nangyari; siya'y nagutos, at tumayong matatag.

10. Dinadala ng Panginoon sa wala ang payo ng mga bansa: kaniyang niwawalang halaga ang mga pagiisip ng mga bayan.

11. Ang payo ng Panginoon ay nanganayong matibay magpakailan man, ang mga pagiisip ng kaniyang puso sa lahat ng sali't saling lahi.

12. Mapalad ang bansa na ang Dios ay ang Panginoon; ang bayan na kaniyang pinili sa ganang kaniyang sariling mana.

13. Ang Panginoon ay tumitingin mula sa langit; kaniyang minamasdan ang lahat na anak ng mga tao;

14. Mula sa dakong kaniyang tahanan ay tumitingin siya sa lahat na nangananahan sa lupa;

15. Siyang naghuhugis ng mga puso nilang lahat, na nagmamasid sa lahat nilang mga gawa.

16. Walang hari na nakaliligtas sa pamamagitan ng karamihan ng hukbo: ang makapangyarihang tao ay hindi naliligtas sa pamamagitan ng malaking kalakasan.

17. Ang kabayo ay walang kabuluhang bagay sa pagliligtas: ni hindi niya iniligtas ang sinoman sa pamamagitan ng kaniyang malaking kalakasan;

18. Narito, ang mata ng Panginoon ay nasa kanila na nangatatakot sa kaniya, sa kanila na nagsisiasa sa kaniyang kagandahang-loob;

19. Upang iligtas ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at upang ingatan silang buhay sa kagutom.

20. Hinintay ng aming kaluluwa ang Panginoon: siya'y aming saklolo at aming kalasag.

21. Sapagka't ang aming puso ay magagalak sa kaniya, sapagka't kami ay nagsitiwala sa kaniyang banal na pangalan.

22. Sumaamin nawa ang iyong kagandahang-loob, Oh Panginoon, ayon sa aming pagasa sa iyo.

About Mga Awit Chapter 33

Read Mga Awit Chapter 33 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Awit
Chapter: 33
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Awit. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Awit Chapter 33 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Awit Chapter 33?

Mga Awit Chapter 33 is part of the Book of Mga Awit in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Awit Chapter 33 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 3
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Mga Awit Chapter 1
  4. Daniel Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 6
  6. Mga Kawikaan Chapter 11
  7. Mga Kawikaan Chapter 2

Explore More from Mga Awit

  1. Mga Awit Chapter 72
  2. Mga Awit Chapter 145
  3. Mga Awit Chapter 138
  4. Mga Awit Chapter 6
  5. Mga Awit Chapter 5
  6. Mga Awit Chapter 121
  7. Mga Awit Chapter 144

Related Chapters & Readings

  1. Jeremias Chapter 30
  2. Mikas Chapter 7
  3. Jeremias Chapter 35
  4. Mga Awit Chapter 21
  5. Mga Awit Chapter 15
  6. Juan Chapter 1
  7. 2 Pedro Chapter 1
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *