Read Mga Awit Chapter 74 Online
Read Mga Awit Chapter 74 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Awit and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Mga Awit 74
Kabanata 74
1. Oh Dios, bakit mo itinakuwil kami magpakailan man? Bakit ang iyong galit ay umuusok laban sa mga tupa ng iyong pastulan?
2. Alalahanin mo ang iyong kapisanan na iyong binili ng una, na iyong tinubos upang maging lipi ng iyong mana; at ang bundok ng Sion na iyong tinahanan.
3. Itaas mo ang iyong mga paa sa mga walang hanggang guho, ang lahat na kasamaang ginawa ng kaaway sa santuario.
4. Ang mga kaaway mo'y nagsisiangal sa gitna ng iyong kapulungan; kanilang itinaas ang kanilang mga watawat na pinakatanda.
5. Sila'y tila mga tao na nangagtaas ng mga palakol sa mga kakahuyan.
6. At ngayo'y lahat ng gawang inanyuan doon. Kanilang pinagputolputol ng palakol at ng mga pamukpok.
7. Kanilang sinilaban ng apoy ang iyong santuario; kanilang dinumhan ang tahanang dako ng iyong pangalan hanggang sa lupa.
8. Kanilang sinabi sa kanilang puso, ating gibaing paminsan: kanilang sinunog ang lahat na sinagoga ng Dios sa lupain.
9. Hindi namin nakikita ang aming mga tanda: Wala nang propeta pa; at wala mang sinoman sa amin na nakakaalam kung hanggang kailan.
10. Hanggang kailan, Oh Dios, mangduduwahagi ang kaaway? Lalapastanganin ba ng kaaway ang iyong pangalan magpakailan man?
11. Bakit mo iniuurong ang iyong kamay, ang iyong kanan? Ilabas mo sa iyong sinapupunan, at iyong lipulin sila.
12. Gayon ma'y ang Dios ay aking Hari ng una, na nagliligtas sa gitna ng lupa.
13. Iyong hinawi ang dagat sa iyong kalakasan: iyong pinagbasag ang mga ulo ng mga buwaya sa mga tubig.
14. Iyong pinagputolputol ang mga ulo ng leviatan, ibinigay mo siya na pagkain sa bayan na tumatahan sa ilang.
15. Ikaw ay nagbukas ng bukal at ilog: iyong tinutuyo ang mga malaking ilog.
16. Ang araw ay iyo, ang gabi ay iyo rin: iyong inihanda ang liwanag at ang araw.
17. Iyong inilagay ang lahat ng mga hangganan ng lupa: iyong ginawa ang taginit at taginaw.
18. Iyong alalahanin ito, na nangduwahagi ang kaaway, Oh Panginoon, at nilapastangan ng mangmang na bayan ang iyong pangalan.
19. Oh huwag mong ibigay ang kaluluwa ng inakay ng iyong kalapati sa mabangis na hayop: huwag mong kalimutan ang buhay ng iyong dukha magpakailan man.
20. Magkaroong pitagan ka sa tipan: sapagka't ang mga madilim na dako ng lupa ay puno ng mga tahanan ng karahasan.
21. Oh huwag bumalik na may kahihiyan ang naaapi: pupurihin ng dukha at mapagkailangan ang iyong pangalan.
22. Bumangon ka, Oh Dios, ipaglaban mo ang iyong sariling usap: alalahanin mo kung paanong dinuduwahagi ka ng mangmang buong araw.
23. Huwag mong kalimutan ang tinig ng iyong mga kaaway: ang ingay niyaong nagsisibangon laban sa iyo ay patuloy na lumalala.
About Mga Awit Chapter 74
Read Mga Awit Chapter 74 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Mga Awit
Chapter: 74
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Awit. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Mga Awit Chapter 74 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Mga Awit Chapter 74?
Mga Awit Chapter 74 is part of the Book of Mga Awit in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Mga Awit Chapter 74 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Daniel Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 6
- Mga Awit Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 24
Explore More from Mga Awit
- Mga Awit Chapter 81
- Mga Awit Chapter 125
- Mga Awit Chapter 106
- Mga Awit Chapter 1
- Mga Awit Chapter 112
- Mga Awit Chapter 96
- Mga Awit Chapter 42