Mateo Chapter 28

For English

Read Mateo Chapter 28 Online

Read Mateo Chapter 28 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mateo in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mateo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mateo 28

Kabanata 28

1. Nang magtatapos ang araw ng sabbath, nang nagbubukang liwayway na ang unang araw ng sanglinggo, ay nagsiparoon si Maria Magdalena at ang isa pang Maria upang tingnan ang libingan.

2. At narito, lumindol ng malakas; sapagka't bumaba mula sa langit ang isang anghel ng Panginoon, at naparoon at iginulong ang bato, at nakaupo sa ibabaw nito.

3. Ang kaniyang anyo ay tulad sa kidlat, at ang kaniyang pananamit ay maputing parang niebe:

4. At sa takot sa kaniya'y nagsipanginig ang mga bantay, at nangaging tulad sa mga taong patay.

5. At sumagot ang anghel at sinabi sa mga babae, Huwag kayong mangatakot; sapagka't nalalaman ko na inyong hinahanap si Jesus na ipinako sa krus.

6. Siya'y wala rito; sapagka't siya'y nagbangon, ayon sa sinabi niya. Magsiparito kayo, tingnan ninyo ang dakong kinalagyan ng Panginoon.

7. At magsiyaon kayong madali, at sa kaniyang mga alagad ay sabihin ninyo, Siya'y nagbangon sa mga patay; at narito, siya'y nangunguna sa inyo sa Galilea; doon makikita ninyo siya: narito, nasabi ko na sa inyo.

8. At sila'y nagsialis na madali sa libingan na taglay ang takot at ang malaking galak, at nagsitakbo upang ibalita sa kaniyang mga alagad.

9. At narito, sila'y sinalubong ni Jesus na nagsasabi, Mangagalak kayo. At sila'y nagsilapit at niyakap ang kaniyang mga paa, at siya'y sinamba.

10. Nang magkagayo'y sinabi sa kanila ni Jesus, Huwag kayong mangatakot: magsiyaon kayo at sabihin ninyo sa aking mga kapatid na magsiparoon sa Galilea, at doo'y makikita nila ako.

11. Samantala ngang sila'y nagsisiparoon, narito, ang ilan sa mga bantay ay nagsiparoon sa bayan, at ibinalita sa mga pangulong saserdote ang lahat ng mga bagay na nangyari.

12. At nang sila'y mangakipagkatipon na sa matatanda, at makapagsanggunian na, ay nangagbigay sila ng maraming salapi sa mga kawal,

13. Na nangagsasabi, Sabihin ninyo, Nagsiparito nang gabi ang kaniyang mga alagad, at siya'y kanilang ninakaw samantalang kami'y nangatutulog.

14. At kung ito'y dumating sa tainga ng gobernador, ay siya'y aming hihikayatin, at kayo'y aming ilalagay sa panatag.

15. Kaya't kinuha nila ang salapi, at kanilang ginawa alinsunod sa pagkaturo sa kanila: at ang pananalitang ito ay kumalat sa gitna ng mga Judio, at nananatili hanggang sa mga araw na ito.

16. Datapuwa't nagsiparoon ang labingisang alagad sa Galilea, sa bundok na sa kanila'y itinuro ni Jesus.

17. At nang siya'y kanilang makita, ay kanilang sinamba siya; datapuwa't ang ilan ay nangagalinlangan.

18. At lumapit si Jesus sa kanila at sila'y kaniyang kinausap, na sinasabi, Ang lahat ng kapamahalaan sa langit at sa ibabaw ng lupa ay naibigay na sa akin.

19. Dahil dito magsiyaon nga kayo, at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa, na sila'y inyong bautismuhan sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo:

20. Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako'y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

About Mateo Chapter 28

Read Mateo Chapter 28 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mateo in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mateo
Chapter: 28
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mateo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mateo Chapter 28 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mateo Chapter 28?

Mateo Chapter 28 is part of the Book of Mateo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mateo Chapter 28 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Bagong Tipan

  1. Pahayag Chapter 13
  2. Pahayag Chapter 12
  3. Pahayag Chapter 3
  4. Pahayag Chapter 16
  5. Pahayag Chapter 15
  6. Pahayag Chapter 14
  7. Pahayag Chapter 6

Explore More from Mateo

  1. Mateo Chapter 16
  2. Mateo Chapter 15
  3. Mateo Chapter 5
  4. Mateo Chapter 9
  5. Mateo Chapter 13
  6. Mateo Chapter 23
  7. Mateo Chapter 10

Related Chapters & Readings

  1. 1 Cronica Chapter 17
  2. Jeremias Chapter 15
  3. Exodo Chapter 8
  4. Genesis Chapter 38
  5. 1 Samuel Chapter 6
  6. Juan Chapter 15
  7. 1 Mga Hari Chapter 9
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *