Mga Awit Chapter 34

For English

Read Mga Awit Chapter 34 Online

Read Mga Awit Chapter 34 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Awit and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Awit 34

Kabanata 34

1. Aking pupurihin ang Panginoon sa buong panahon: ang pagpuri sa kaniya ay laging sasa aking bibig.

2. Ang aking kaluluwa ay maghahambog sa Panginoon: maririnig ng maamo at masasayahan.

3. Oh dakilain ninyo na kasama ko ang Panginoon, at tayo'y mangagbunyi na magkakasama ng kaniyang pangalan.

4. Aking hinanap ang Panginoon, at sinagot niya ako, at iniligtas niya ako sa lahat ng aking mga katakutan.

5. Sila'y nagsitingin sa kaniya, at nangaliwanagan: at ang kanilang mukha ay hindi malilito kailan man.

6. Itong abang tao'y dumaing, at dininig siya ng Panginoon. At iniligtas siya sa lahat niyang mga kabagabagan.

7. Ang anghel ng Panginoon ay humahantong sa buong palibot ng nangatatakot sa kaniya, at ipinagsasanggalang sila.

8. Oh inyong tikman at tingnan ninyo na ang Panginoon ay mabuti: mapalad ang tao na nanganganlong sa kaniya.

9. Oh mangatakot kayo sa Panginoon, kayong mga banal niya: sapagka't walang kakulangan sa kanila na nangatatakot sa kaniya.

10. Ang mga batang leon ay kinakapos at nagtitiis ng gutom. Nguni't silang nagsisihanap sa Panginoon ay hindi kukulangin ng anomang mabuting bagay.

11. Magsiparito kayo, kayong mga anak, dinggin ninyo ako: aking tuturuan kayo ng pagkatakot sa Panginoon.

12. Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at umiibig sa maraming kaarawan upang makakita siya ng mabuti?

13. Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama. At ang iyong mga labi sa pagsasalita ng karayaan.

14. Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at habulin mo.

15. Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing.

16. Ang mukha ng Panginoon ay laban sa kanila na nagsisigawa ng kasamaan, upang ihiwalay ang alaala sa kanila sa lupa.

17. Ang matuwid ay nagsidaing, at dininig ng Panginoon, at iniligtas sila sa lahat nilang mga kabagabagan.

18. Ang Panginoon ay malapit sa kanila na may bagbag na puso, at inililigtas ang mga may pagsisising diwa.

19. Marami ang kadalamhatian ng matuwid; nguni't inililigtas ng Panginoon sa lahat.

20. Kaniyang iniingatan ang lahat niyang mga buto: wala isa man sa mga yaon na nababali.

21. Papatayin ng kasamaan ang masama: at silang nangagagalit sa matuwid na tao ay kikilanling may sala.

22. Tinutubos ng Panginoon ang kaluluwa ng kaniyang mga lingkod: at wala sa nagsisipagkanlong sa kaniya ay kikilanling may sala.

About Mga Awit Chapter 34

Read Mga Awit Chapter 34 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Awit
Chapter: 34
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Awit. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Awit Chapter 34 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Awit Chapter 34?

Mga Awit Chapter 34 is part of the Book of Mga Awit in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Awit Chapter 34 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 3
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Daniel Chapter 1
  4. Mga Kawikaan Chapter 6
  5. Mga Awit Chapter 1
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 24

Explore More from Mga Awit

  1. Mga Awit Chapter 105
  2. Mga Awit Chapter 115
  3. Mga Awit Chapter 146
  4. Mga Awit Chapter 93
  5. Mga Awit Chapter 78
  6. Mga Awit Chapter 81
  7. Mga Awit Chapter 148

Related Chapters & Readings

  1. 1 Cronica Chapter 6
  2. Mga Awit Chapter 6
  3. 2 Samuel Chapter 22
  4. Mga Kawikaan Chapter 16
  5. Isaias Chapter 56
  6. Mga Awit Chapter 61
  7. Mga Awit Chapter 51
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *