Mga Kawikaan Chapter 6

For English

Read Mga Kawikaan Chapter 6 Online

Read Mga Kawikaan Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Kawikaan and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Kawikaan 6

Kabanata 6

1. Anak ko, kung ikaw ay naging mananagot sa iyong kapuwa, kung iyong ikinamay ang iyong kamay sa di kilala,

2. Ikaw ay nasilo ng mga salita ng iyong bibig, ikaw ay nahuli ng mga salita ng iyong bibig.

3. Gawin mo ito ngayon, anak ko, at lumigtas ka, yamang ikaw ay nahulog sa kamay ng iyong kapuwa: yumaon ka, magpakababa ka, at mangayupapa ka sa iyong kapuwa.

4. Huwag mong bigyan ng tulog ang iyong mga mata. O magpaidlip man sa iyong mga talukap-mata.

5. Lumigtas ka na parang usa sa kamay ng mangangaso, at parang ibon sa kamay ng mamimitag.

6. Pumaroon ka sa langgam, ikaw na tamad; masdan mo ang kaniyang mga lakad at magpakapantas ka:

7. Na bagaman walang pangulo, tagapamahala, o pinuno,

8. Naghahanda ng kaniyang pagkain sa taginit, at pinipisan ang kaniyang pagkain sa pagaani.

9. Hanggang kailan matutulog ka, Oh tamad? Kailan ka babangon sa iyong pagkakatulog?

10. Kaunti pang pagkakatulog, kaunti pang pagkaidlip, kaunti pang paghahalukipkip ng mga kamay upang matulog:

11. Sa gayo'y ang iyong karalitaan ay darating na parang magnanakaw, at ang iyong kasalatan na parang lalaking may sandata.

12. Taong walang kabuluhan, taong masama, ay siya na lumalakad na may masamang bibig;

13. Na kumikindat ng kaniyang mga mata, na nagsasalita ng kaniyang mga paa, na nagsasalita ng kaniyang mga daliri;

14. Pagdaraya ay nasa kaniyang puso, siya'y laging kumakatha ng kasamaan; siya'y naghahasik ng pagtatalo.

15. Kaya't darating na bigla ang kaniyang kasakunaan; sa kabiglaanan ay mababasag siya, at walang kagamutan.

16. May anim na bagay na ipinagtatanim ng Panginoon; Oo, pito na mga kasuklamsuklam sa kaniya:

17. Mga palalong mata, sinungaling na dila, at mga kamay na nagbububo ng walang salang dugo;

18. Puso na kumakatha ng mga masamang akala, mga paa na matulin sa pagtakbo sa kasamaan;

19. Sinungaling na saksi na nagsasalita ng kabulaanan, at ang naghahasik ng pagtatalo sa gitna ng magkakapatid.

20. Anak ko, ingatan mo ang utos ng iyong ama, at huwag mong kalimutan ang kautusan ng iyong ina:

21. Ikintal mong lagi sa iyong puso, itali mo sa iyong leeg.

22. Pagka ikaw ay lumalakad, papatnubay sa iyo; pagka ikaw ay natutulog, babantay sa iyo; at pagka ikaw ay gumigising, makikipagusap sa iyo.

23. Sapagka't ang utos ay tanglaw; at ang kautusan ay liwanag; at ang mga saway na turo ay daan ng buhay:

24. Upang ingatan ka sa masamang babae, Sa tabil ng dila ng di kilala.

25. Huwag mong pitahin ang kaniyang kagandahan sa iyong puso; at huwag ka mang hulihin niya ng kaniyang mga talukap-mata.

26. Sapagka't dahil sa isang masamang babae ay walang naiiwan sa lalake kundi isang putol na tinapay: at hinuhuli ng mangangalunya ang mahalagang buhay.

27. Makakukuha ba ng apoy ang tao sa kaniyang sinapupunan, at hindi masusunog ang kaniyang mga suot?

28. O makalalakad ba ang sinoman sa mga mainit na baga, at ang kaniyang mga paa ay hindi mapapaso?

29. Gayon ang sumisiping sa asawa ng kaniyang kapuwa; sinomang humipo ay hindi maaaring di parusahan.

30. Hindi hinahamak ng mga tao ang magnanakaw kung siya'y nagnanakaw, upang busugin siya pagka siya'y gutom:

31. Nguni't kung siya'y masumpungan, isasauli niyang makapito; kaniyang ibibigay ang lahat na laman ng kaniyang bahay.

32. Siyang nagkakamit ng pangangalunya sa isang babae ay walang bait: ang gumagawa niyaon ay nagpapahamak sa kaniyang sariling kaluluwa.

33. Mga sugat at kasiraang puri ang tatamuhin niya; at ang kaniyang kapintasan ay hindi mapapawi.

34. Sapagka't ang paninibugho ay pagiinit ng tao; at hindi siya magpapatawad sa kaarawan ng panghihiganti.

35. Hindi niya pakukundanganan ang anomang tubos; ni magpapahinga man siyang tuwa, bagaman ikaw ay magbigay ng maraming suhol.

About Mga Kawikaan Chapter 6

Read Mga Kawikaan Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Kawikaan
Chapter: 6
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Kawikaan. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Kawikaan Chapter 6 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Kawikaan Chapter 6?

Mga Kawikaan Chapter 6 is part of the Book of Mga Kawikaan in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Kawikaan Chapter 6 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Kawikaan Chapter 3
  3. Mga Awit Chapter 1
  4. Daniel Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 11
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 7

Explore More from mga-kawikaan

  1. Mga Kawikaan Chapter 17
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Mga Kawikaan Chapter 26
  4. Mga Kawikaan Chapter 7
  5. Mga Kawikaan Chapter 14
  6. Mga Kawikaan Chapter 27
  7. Mga Kawikaan Chapter 18

Related Chapters & Readings

  1. Isaias Chapter 59
  2. Mga Awit Chapter 4
  3. Isaias Chapter 21
  4. 2 Mga Hari Chapter 19
  5. 2 Timoteo Chapter 4
  6. Mga Awit Chapter 103
  7. 2 Cronica Chapter 36
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *