Exodo Chapter 31

For English

Read Exodo Chapter 31 Online

Read Exodo Chapter 31 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Exodo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Exodo 31

Kabanata 31

1. At ang Panginoon ay nagsalita kay Moises, na sinasabi,

2. Tingnan mo aking tinawag sa pangalan si Bezaleel na anak ni Uri, na anak ni Hur, sa lipi ni Juda:

3. At aking pinuspos siya ng Espiritu ng Dios, sa karunungan at pagkakilala, at kaalaman, at sa lahat ng sarisaring gawain,

4. Upang kumatha ng mga gawang kaayaaya, upang gumawa sa ginto, at sa pilak, at sa tanso,

5. At upang umukit ng mga batong pangkalupkop, upang gumawa ng mga nililok na kahoy, at upang gumawa sa lahat na sarisaring gawain.

6. At ako, narito, aking inihalal na kasama niya si Aholiab, na anak ni Ahisamac sa lipi ni Dan; at sa puso ng lahat na maalam na puso, ay aking isinilid ang karunungan, upang magawa nila ang lahat ng aking iniutos sa iyo:

7. Ang tabernakulo ng kapisanan at ang kaban ng patotoo, at ang luklukan ng awa na nasa ibabaw niyaon, at ang lahat ng kasangkapan ng Tolda:

8. At ang dulang at ang mga sisidlan niyaon at ang kandelerong dalisay, sangpu ng lahat na mga sisidlan; at ang dambana ng kamangyan;

9. At ang dambana ng handog na susunugin sangpu ng lahat ng mga sisidlan niyaon, at ang hugasan at ang tungtungan niyaon;

10. At ang mga kasuutang mabuting yari, at ang mga banal na kasuutan na pangsuot kay Aarong saserdote, at ang mga kasuutan sa kaniyang mga anak, upang mangasiwa sa katungkulang saserdote;

11. At ang langis na pangpahid, at ang kamangyan na mabangong mga kamangyan na itataan sa dakong banal: ayon sa lahat na iniutos ko sa iyo ay kanilang gagawin.

12. At ang Panginoo'y nagsalita kay Moises, na sinasabi,

13. Salitain mo rin sa mga anak ni Israel, na iyong sabihin, Katotohanang ipangingilin ninyo ang aking mga sabbath; sapagka't isang tanda sa akin at sa inyo sa buong panahon ng inyong mga lahi, upang inyong makilala na ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo.

14. Inyong ipangingilin ang sabbath nga; sapagka't yao'y pangilin sa inyo: bawa't lumapastangan ay walang pagsalang papatayin: sapagka't sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw na yaon, ay ihihiwalay ang taong yaon sa kaniyang bayan.

15. Anim na araw na gagawin ang gawain; datapuwa't ang ikapitong araw ay sabbath na takdang kapahingahan, pangilin sa Panginoon: sinomang gumawa ng anomang gawa sa araw ng sabbath, ay walang pagsalang papatayin.

16. Kaya't ang mga anak ni Israel ay mangingilin ng sabbath, na tutuparin ang sabbath sa buong panahon ng kanilang mga lahi, na pinakapalaging tipan.

17. Ito'y isang tanda sa akin at sa mga anak ni Israel magpakailan man: sapagka't sa anim na araw ay ginawa ng Panginoon ang langit at lupa, at sa ikapitong araw, ay nagpahinga at naginhawahan.

18. At kaniyang ibinigay kay Moises, pagkatapos na makipagsalitaan sa kaniya sa ibabaw ng bundok ng Sinai, ang dalawang tapyas ng patotoo, na mga tapyas na bato, na sinulatan ng daliri ng Dios.

About Exodo Chapter 31

Read Exodo Chapter 31 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Exodo
Chapter: 31
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Exodo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Exodo Chapter 31 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Exodo Chapter 31?

Exodo Chapter 31 is part of the Book of Exodo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Exodo Chapter 31 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Exodo

  1. Exodo Chapter 3
  2. Exodo Chapter 2
  3. Exodo Chapter 4
  4. Exodo Chapter 9
  5. Exodo Chapter 18
  6. Exodo Chapter 16
  7. Exodo Chapter 13

Explore More from Lumang Tipan

  1. Ezekiel Chapter 9
  2. Ezekiel Chapter 41
  3. Exodo Chapter 14
  4. Deuteronomio Chapter 6
  5. Levitico Chapter 5
  6. Mga Hukom Chapter 11
  7. Ezekiel Chapter 10

Related Chapters & Readings

  1. 2 Samuel Chapter 11
  2. Exodo Chapter 3
  3. 1 Samuel Chapter 21
  4. Mga Bilang Chapter 35
  5. Mateo Chapter 3
  6. Job Chapter 22
  7. Job Chapter 19
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *