Read Mga Awit Chapter 51 Online
Read Mga Awit Chapter 51 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Awit and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Mga Awit 51
Kabanata 51
1. Maawa ka sa akin, Oh Dios, ayon sa iyong kagandahang-loob: ayon sa karamihan ng iyong malumanay na mga kaawaan ay pinawi mo ang aking mga pagsalangsang.
2. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan.
3. Sapagka't kinikilala ko ang aking mga pagsalangsang: at ang aking kasalanan ay laging nasa harap ko.
4. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin: upang ikaw ay ariing ganap pag nagsasalita ka, at maging malinis pag humahatol ka.
5. Narito, ako'y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina,
6. Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa mga loob na sangkap; at sa kubling bahagi ay iyong ipakikilala sa akin ang karunungan.
7. Linisin mo ako ng hisopo, at ako'y magiging malinis: hugasan mo ako at ako'y magiging lalong maputi kay sa nieve.
8. Pagparinggan mo ako ng kagalakan at kasayahan; upang ang mga buto na iyong binali ay mangagalak.
9. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang aking lahat na mga kasamaan.
10. Likhaan mo ako ng isang malinis na puso, Oh Dios; at magbago ka ng isang matuwid na espiritu sa loob ko.
11. Huwag mo akong paalisin sa iyong harapan; at huwag mong bawiin ang iyong santong Espiritu sa akin.
12. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas: at alalayan ako ng kusang espiritu.
13. Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga mananalangsang ang iyong mga lakad; at ang mga makasalanan ay mangahihikayat sa iyo.
14. Iligtas mo ako sa salang pagbububo ng dugo, Oh Dios, ikaw na Dios ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit ng malakas tungkol sa iyong katuwiran.
15. Oh Panginoon, bukhin mo ang aking mga labi; at ang aking bibig ay magsasaysay ng iyong kapurihan.
16. Sapagka't hindi ka nalulugod sa hain; na kung dili ay bibigyan kita: wala kang kaluguran sa handog na susunugin.
17. Ang mga hain sa Dios ay bagbag na loob: isang bagbag at may pagsisising puso, Oh Dios, ay hindi mo wawaling kabuluhan.
18. Gawan mo ng mabuti ang iyong mabuting kasayahan sa Sion: itayo mo ang mga kuta ng Jerusalem.
19. Kung magkagayo'y malulugod ka sa mga hain ng katuwiran, sa handog na susunugin at sa handog na susunuging buo: kung magkagayo'y mangaghahandog sila ng mga toro sa iyong dambana.
About Mga Awit Chapter 51
Read Mga Awit Chapter 51 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Mga Awit
Chapter: 51
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Awit. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Mga Awit Chapter 51 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Mga Awit Chapter 51?
Mga Awit Chapter 51 is part of the Book of Mga Awit in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Mga Awit Chapter 51 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Mga Awit Chapter 1
- Daniel Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 6
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 31
Explore More from Mga Awit
- Mga Awit Chapter 44
- Mga Awit Chapter 16
- Mga Awit Chapter 58
- Mga Awit Chapter 11
- Mga Awit Chapter 18
- Mga Awit Chapter 28
- Mga Awit Chapter 60