Mga Awit Chapter 50

For English

Read Mga Awit Chapter 50 Online

Read Mga Awit Chapter 50 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Awit and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Awit 50

Kabanata 50

1. Ang makapangyarihang Dios, ang Dios na Panginoon, ay nagsalita, at tinawag ang lupa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog niyaon.

2. Mula sa Sion na kasakdalan ng kagandahan, sumilang ang Dios.

3. Ang aming Dios ay darating at hindi tatahimik; isang apoy na mamumugnaw sa harap niya, at magiging totoong malaking bagyo sa palibot niya.

4. Siya'y tatawag sa langit sa itaas, at sa lupa upang mahatulan niya ang kaniyang bayan:

5. Pisanin mo ang aking mga banal sa akin; yaong nangakikipagtipan sa akin sa pamamagitan ng hain.

6. At ipahahayag ng langit ang kaniyang katuwiran; sapagka't ang Dios ay siyang hukom. (Selah)

7. Iyong dinggin, Oh aking bayan, at ako'y magsasalita; Oh Israel, at ako'y magpapatotoo sa iyo: Ako'y Dios, iyong Dios.

8. Hindi kita sasawayin dahil sa iyong mga hain; at ang iyong mga handog na susunugin ay laging nangasa harap ko.

9. Hindi ako kukuha ng baka sa iyong bahay, ni ng kambing na lalake sa iyong mga kawan.

10. Sapagka't bawa't hayop sa gubat ay akin, at ang hayop sa libong burol.

11. Nakikilala ko ang lahat ng mga ibon sa mga bundok: at ang mga mabangis na hayop sa parang ay akin.

12. Kung ako'y magutom ay hindi ko sasaysayin sa iyo: sapagka't ang sanglibutan ay akin, at ang buong narito.

13. Kakanin ko ba ang laman ng mga toro, o iinumin ang dugo ng mga kambing?

14. Ihandog mo sa Dios ang haing pasasalamat: at tuparin mo ang iyong mga panata sa Kataastaasan:

15. At tumawag ka sa akin sa kaarawan ng kabagabagan; ililigtas kita, at iyong luluwalhatiin ako.

16. Nguni't sa masama ay sinasabi ng Dios, Anong iyong gagawin upang ipahayag ang aking mga palatuntunan, at iyong kinuha ang aking tipan sa iyong bibig?

17. Palibhasa't iyong kinapopootan ang pagtuturo, at iyong iniwawaksi ang aking mga salita sa likuran mo.

18. Pagka nakakita ka ng magnanakaw, pumipisan ka sa kaniya, at naging kabahagi ka ng mga mapangalunya.

19. Iyong ibinubuka ang iyong bibig sa kasamaan, at ang iyong dila ay kumakatha ng karayaan.

20. Ikaw ay nauupo, at nagsasalita laban sa iyong kapatid; iyong dinudusta ang anak ng iyong sariling ina.

21. Ang mga bagay na ito ay iyong ginawa, at ako'y tumahimik; iyong inisip na tunay na ako'y gayong gaya mo: nguni't sasawayin kita, at aking isasaayos sa harap ng iyong mga mata.

22. Gunitain nga ninyo ito, ninyong nangakalilimot sa Dios, baka kayo'y aking pagluraylurayin at walang magligtas:

23. Ang naghahandog ng haing pasasalamat ay lumuluwalhati sa akin; at sa kaniya na nagaayos ng kaniyang pakikipagusap aking ipakikita ang pagliligtas ng Dios.

About Mga Awit Chapter 50

Read Mga Awit Chapter 50 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Awit in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Awit
Chapter: 50
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Awit. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Awit Chapter 50 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Awit Chapter 50?

Mga Awit Chapter 50 is part of the Book of Mga Awit in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Awit Chapter 50 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 3
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Mga Awit Chapter 1
  4. Daniel Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 6
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 31

Explore More from Mga Awit

  1. Mga Awit Chapter 33
  2. Mga Awit Chapter 27
  3. Mga Awit Chapter 141
  4. Mga Awit Chapter 108
  5. Mga Awit Chapter 98
  6. Mga Awit Chapter 101
  7. Mga Awit Chapter 15

Related Chapters & Readings

  1. Isaias Chapter 22
  2. Mga Bilang Chapter 4
  3. Genesis Chapter 8
  4. Roma Chapter 3
  5. Lucas Chapter 15
  6. Jonas Chapter 3
  7. Lucas Chapter 24
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *