Mga Kawikaan Chapter 2

For English

Read Mga Kawikaan Chapter 2 Online

Read Mga Kawikaan Chapter 2 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Kawikaan and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Kawikaan 2

Kabanata 2

1. Anak ko, kung iyong tatanggapin ang aking mga salita, at tataglayin mo ang aking mga utos;

2. Na anopa't iyong ikikiling ang iyong pakinig sa karunungan, at ihihilig mo ang iyong puso sa pagunawa;

3. Oo, kung ikaw ay dadaing ng pagbubulay, at itataas mo ang iyong tinig sa pagunawa;

4. Kung iyong hahanapin siya na parang pilak, at sasaliksikin mo siyang parang kayamanang natatago.

5. Kung magkagayo'y iyong mauunawa ang pagkatakot sa Panginoon, at masusumpungan mo ang kaalaman ng Dios.

6. Sapagka't ang Panginoon ay nagbibigay ng karunungan, sa kaniyang bibig nanggagaling ang kaalaman at kaunawaan:

7. Kaniyang pinapagtataglay ang matuwid ng magaling na karunungan, siya'y kalasag sa nagsisilakad sa pagtatapat;

8. Upang kaniyang mabantayan ang mga landas ng kahatulan, at maingatan ang daan ng kaniyang mga banal.

9. Kung magkagayo'y mauunawa mo ang katuwiran at ang kahatulan, at ang karampatan, oo, bawa't mabuting landas.

10. Sapagka't karunungan ay papasok sa iyong puso, at kaalaman ay magiging ligaya sa iyong kaluluwa;

11. Kabaitan ay magbabantay sa iyo, pagkaunawa ay magiingat sa iyo:

12. Upang iligtas ka sa daan ng kasamaan, sa mga taong nagsisipagsalita ng mga masamang bagay;

13. Na nagpapabaya ng mga landas ng katuwiran, upang magsilakad sa mga daan ng kadiliman;

14. Na nangagagalak na magsigawa ng kasamaan, at nangaaaliw sa mga karayaan ng kasamaan,

15. Na mga liko sa kanilang mga lakad, at mga suwail sa kanilang mga landas:

16. Upang iligtas ka sa masamang babae, sa makatuwid baga'y sa di kilala na nanghahalina ng kaniyang mga salita;

17. Na nagpapabaya sa kaibigan ng kaniyang kabataan, at lumilimot ng tipan ng kaniyang Dios:

18. Sapagka't ang kaniyang bahay ay kumikiling sa kamatayan, at ang kaniyang mga landas na sa patay:

19. Walang naparoroon sa kaniya na bumabalik uli, ni kanila mang tinatamo ang mga landas ng buhay:

20. Upang ikaw ay makalakad ng lakad ng mabubuting tao, at maingatan ang mga landas ng matuwid.

21. Sapagka't ang matuwid ay tatahan sa lupain, at ang sakdal ay mamamalagi roon.

22. Nguni't ang masama ay mahihiwalay sa lupain, at silang nagsisigawang may karayaan ay mangabubunot.

About Mga Kawikaan Chapter 2

Read Mga Kawikaan Chapter 2 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Kawikaan
Chapter: 2
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Kawikaan. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Kawikaan Chapter 2 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Kawikaan Chapter 2?

Mga Kawikaan Chapter 2 is part of the Book of Mga Kawikaan in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Kawikaan Chapter 2 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 3
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Daniel Chapter 1
  4. Mga Awit Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 6
  6. Mga Kawikaan Chapter 31
  7. Mga Kawikaan Chapter 24

Explore More from mga-kawikaan

  1. Mga Kawikaan Chapter 4
  2. Mga Kawikaan Chapter 18
  3. Mga Kawikaan Chapter 13
  4. Mga Kawikaan Chapter 11
  5. Mga Kawikaan Chapter 3
  6. Mga Kawikaan Chapter 24
  7. Mga Kawikaan Chapter 6

Related Chapters & Readings

  1. Hebreo Chapter 11
  2. Exodo Chapter 5
  3. Judas Chapter 1
  4. Isaias Chapter 17
  5. Mga Bilang Chapter 7
  6. Levitico Chapter 21
  7. 1 Mga Hari Chapter 9
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *