Awit ni Solomon Chapter 5

For English

Read Awit ni Solomon Chapter 5 Online

Read Awit ni Solomon Chapter 5 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Awit ni Solomon in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Awit ni Solomon and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Awit ni Solomon 5

Kabanata 5

1. Ako'y dumating sa aking halamanan, kapatid ko, kasintahan ko: aking dinampot ang aking mira pati ang aking especia; aking kinain ang aking pulotpukyutan pati ang aking pulot; aking ininom ang aking alak pati ang aking gatas. Magsikain kayo, Oh mga kaibigan; magsiinom kayo, oo, magsiinom kayo ng sagana, Oh sinisinta.

2. Ako'y nakatulog, nguni't ang aking puso ay gising: ang tinig ng aking sinta ang siyang tumutuktok, na kaniyang sinasabi, pagbuksan mo ako, kapatid ko, sinta ko, kalapati ko, sakdal ko: sapagka't ang aking ulo ay basa ng hamog, ang aking mga kulot na buhok ay ng mga patak ng gabi.

3. Aking hinubad ang aking suot; paanong aking isusuot? Aking hinugasan ang aking mga paa paanong sila'y aking dudumhan?

4. Isinuot ng aking sinta ang kaniyang kamay sa butas ng pintuan, at nakilos ang aking puso sa kaniya.

5. Ako'y bumangon upang pagbuksan ang aking sinta; at ang aking mga kamay ay tutulo ng mira, at ang aking mga daliri ng malabnaw na mira. Sa mga tatangnan ng trangka.

6. Aking pinagbuksan ang aking sinta: nguni't ang aking sinta ay umurong at nakaalis, napanglupaypay na ako ng aking kaluluwa nang siya'y magsalita: aking hinanap siya, nguni't hindi ko nasumpungan siya; aking tinawag siya, nguni't hindi siya sumagot sa akin.

7. Nasumpungan ako ng mga bantay na nagsisilibot sa bayan, sinaktan nila ako, sinugatan nila ako, inalis sa akin ang aking balabal ng mga tanod ng mga kuta.

8. Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, kung inyong masumpungan ang aking sinta, na inyong saysayin sa kaniya, na ako'y may sakit, na pagsinta.

9. Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, Oh ikaw na pinakamaganda sa mga babae? Ano ang iyong sinta na higit kay sa ibang sinta, na iyong ibinibilin sa amin ng ganyan?

10. Ang aking sinisinta ay maputi at mapulapula na pinakamainam sa sangpung libo.

11. Ang kaniyang ulo ay gaya ng pinakamainam na ginto: ang kaniyang kulot na buhok ay malago at maitim na gaya ng uwak.

12. Ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga kalapati sa siping ng mga batis ng tubig; na hinugasan ng gatas at bagay ang pagkalagay.

13. Ang kaniyang mga pisngi ay gaya ng pitak ng mga especia, gaya ng mga bunton ng mga mainam na gulay: ang kaniyang mga labi ay gaya ng mga lila na tumutulo ng malabnaw na mira.

14. Ang kaniyang mga kamay ay gaya ng mga singsing na ginto na may lakip na berilo: ang kaniyang katawan ay gaya ng yaring garing na binalot ng mga zafiro.

15. Ang kaniyang mga hita ay gaya ng haliging marmol, na nalalapag sa mga tungtungan na dalisay na ginto: ang kaniyang anyo ay gaya ng Libano na marilag na gaya ng mga sedro.

16. Ang kaniyang bibig ay pinakamatamis: Oo, siya'y totoong kaibigibig. Ito'y aking sinta at ito'y aking kaibigan, Oh mga anak na babae ng Jerusalem.

About Awit ni Solomon Chapter 5

Read Awit ni Solomon Chapter 5 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Awit ni Solomon in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Awit ni Solomon
Chapter: 5
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Awit ni Solomon. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Awit ni Solomon Chapter 5 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Awit ni Solomon Chapter 5?

Awit ni Solomon Chapter 5 is part of the Book of Awit ni Solomon in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Awit ni Solomon Chapter 5 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from awit-ni-solomon

  1. Awit ni Solomon Chapter 8
  2. Awit ni Solomon Chapter 1
  3. Awit ni Solomon Chapter 4
  4. Awit ni Solomon Chapter 3
  5. Awit ni Solomon Chapter 2
  6. Awit ni Solomon Chapter 7
  7. Awit ni Solomon Chapter 6

Explore More from Lumang Tipan

  1. 2 Cronica Chapter 17
  2. Genesis Chapter 16
  3. 1 Cronica Chapter 4
  4. Exodo Chapter 20
  5. Ezekiel Chapter 34
  6. Mga Kawikaan Chapter 11
  7. 1 Cronica Chapter 21

Related Chapters & Readings

  1. Jeremias Chapter 36
  2. Ezekiel Chapter 32
  3. Zacarias Chapter 13
  4. Mga Awit Chapter 62
  5. Jeremias Chapter 14
  6. Deuteronomio Chapter 28
  7. 1 Samuel Chapter 26
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *