Deuteronomio Chapter 10

For English

Read Deuteronomio Chapter 10 Online

Read Deuteronomio Chapter 10 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Deuteronomio in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Deuteronomio and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Deuteronomio 10

Kabanata 10

1. Nang panahong yaon ay sinabi ng Panginoon sa akin, Humugis ka ng dalawang tapyas na bato, na gaya ng una, at sampahin mo ako sa bundok, at gumawa ka ng isang kaban na kahoy;

2. At aking isusulat sa mga tapyas ang mga salita na nasa unang mga tapyas na iyong binasag, at iyong isisilid ang mga iyan sa kaban.

3. Sa gayo'y gumawa ako ng isang kaban na kahoy na akasia, at ako'y humugis ng dalawang tapyas na bato na gaya ng una, at ako'y sumampa sa bundok na aking dala sa aking kamay ang dalawang tapyas.

4. At kaniyang isinulat sa mga tapyas, ang ayon sa unang sulat, ang sangpung utos na sinalita ng Panginoon sa inyo sa bundok mula sa gitna ng apoy nang kaarawan ng kapulungan: at ang mga yaon ay ibinigay sa akin ng Panginoon.

5. At ako'y pumihit at bumaba mula sa bundok, at aking isinilid ang mga tapyas sa kaban na aking ginawa, at nangandoon, na gaya ng iniutos sa akin ng Panginoon.

6. (At ang mga anak ni Israel ay naglakbay mula sa Beerot Bene-ja-acan hanggang sa Mosera: doon namatay si Aaron, at doon siya inilibing; at si Eleazar na kaniyang anak ay nangasiwa sa katungkulang saserdote na kahalili niya.

7. Mula roon ay naglakbay sila hanggang Gudgod; at mula sa Gudgod hanggang sa Jotbatha, na lupain ng mga batis ng tubig.

8. Nang panahong yaon ay inihiwalay ng Panginoon ang lipi ni Levi, upang magdala ng kaban ng tipan ng Panginoon, upang tumayo sa harap ng Panginoon na mangasiwa sa kaniya, at upang magbasbas sa kaniyang pangalan hanggang sa araw na ito.

9. Kaya't ang Levi ay walang bahagi ni mana sa kasamahan ng kaniyang mga kapatid; ang Panginoo'y siyang kaniyang mana, ayon sa sinalita ng Panginoon mong Dios sa kaniya.)

10. At ako'y nalabi sa bundok, gaya ng una, na apat na pung araw at apat na pung gabi; at ako'y dininig din noon ng Panginoon; hindi ka lilipulin ng Panginoon.

11. At sinabi ng Panginoon sa akin, Tumindig ka, lumakad ka na manguna sa bayan; at sila'y papasok at kanilang aariin ang lupain, na aking isinumpa sa kanilang mga magulang upang ibigay sa kanila.

12. At ngayon, Israel, ano ang hinihingi sa iyo ng Panginoon mong Dios, kundi matakot ka sa Panginoon mong Dios, lumakad ka sa lahat ng kaniyang mga daan, at ibigin mo siya, at paglingkuran mo ang Panginoon mong Dios, ng buong puso mo at ng buong kaluluwa mo.

13. Na ganapin mo ang mga utos ng Panginoon, at ang kaniyang mga palatuntunan, na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito sa iyong ikabubuti?

14. Narito, sa Panginoon mong Dios nauukol ang langit, at ang langit ng mga langit, ang lupa, sangpu ng lahat na nangariyan.

15. Ang Panginoon ay nagkaroon lamang ng hilig sa iyong mga magulang na ibigin sila, at kaniyang pinili ang kanilang binhi pagkamatay nila, sa makatuwid baga'y kayo, sa lahat ng mga bayan na gaya ng nakikita sa araw na ito.

16. Tuliin nga ninyo ang balat ng inyong puso, at huwag ninyong papagmatigasin ang inyong ulo.

17. Sapagka't ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol.

18. Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.

19. Ibigin nga ninyo ang taga ibang lupa: sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

20. Katatakutan mo ang Panginoon mong Dios; sa kaniya'y maglilingkod ka, at sa kaniya'y lalakip ka, at sa pamamagitan ng kaniyang pangalan susumpa ka.

21. Siya ang iyong kapurihan, at siya ang iyong Dios, na iginawa ka niya nitong mga dakila at kakilakilabot na mga bagay, na nakita ng iyong mga mata.

22. Ang iyong mga magulang ay lumusong sa Egipto na may pitong pung tao; at ngayo'y ginawa ka ng Panginoon mong Dios na gaya ng mga bituin sa langit ang dami.

About Deuteronomio Chapter 10

Read Deuteronomio Chapter 10 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Deuteronomio in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Deuteronomio
Chapter: 10
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Deuteronomio. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Deuteronomio Chapter 10 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Deuteronomio Chapter 10?

Deuteronomio Chapter 10 is part of the Book of Deuteronomio in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Deuteronomio Chapter 10 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Deuteronomio

  1. Deuteronomio Chapter 3
  2. Deuteronomio Chapter 2
  3. Deuteronomio Chapter 8
  4. Deuteronomio Chapter 1
  5. Deuteronomio Chapter 4
  6. Deuteronomio Chapter 15
  7. Deuteronomio Chapter 7

Explore More from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 14
  2. Daniel Chapter 4
  3. Oseas Chapter 7
  4. Jeremias Chapter 25
  5. Levitico Chapter 26
  6. Ezekiel Chapter 14
  7. Exodo Chapter 8

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 83
  2. 2 Samuel Chapter 5
  3. Jeremias Chapter 12
  4. Exodo Chapter 30
  5. 2 Mga Hari Chapter 9
  6. Job Chapter 16
  7. Filipos Chapter 3
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *