Mga Kawikaan Chapter 26

For English

Read Mga Kawikaan Chapter 26 Online

Read Mga Kawikaan Chapter 26 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Kawikaan and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Kawikaan 26

Kabanata 26

1. Kung paano ang niebe sa taginit, at kung paano ang ulan sa pagaani, gayon ang karangalan ay hindi nababagay sa mangmang.

2. Kung paano ang maya sa kaniyang paggagala, kung paano ang langaylangayan sa kaniyang paglipad, gayon ang sumpa na walang kadahilanan ay hindi tumatalab.

3. Ang paghagupit ay sa kabayo, ang paningkaw ay sa asno, at ang pamalo ay sa likod ng mga mangmang.

4. Huwag mong sagutin ang mangmang ng ayon sa kaniyang kamangmangan, baka ikaw man ay maging gaya rin niya.

5. Sagutin mo ang mangmang ayon sa kaniyang kamangmangan, baka siya'y maging pantas sa ganang kaniya.

6. Siyang nagsusugo ng pasugo sa pamamagitan ng kamay ng mangmang naghihiwalay ng kaniyang mga paa, at umiinom sa kasiraan.

7. Ang mga hita ng pilay ay nabibitin: gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.

8. Kung paano ang isa'y nagbabalot ng isang bato sa isang lambanog, gayon ang nagbibigay ng karangalan sa mangmang.

9. Kung paano ang tinik na tumutusok sa kamay ng lango, gayon ang talinghaga sa bibig ng mga mangmang.

10. Kung paano ang mamamana sumusugat sa lahat, gayon ang umupa sa mangmang at umuupa sa pagayongayon.

11. Kung paano ang aso na bumabalik sa kaniyang suka, gayon ang mangmang na umuulit ng kaniyang kamangmangan.

12. Nakikita mo ba ang taong pantas sa ganang kaniyang sarili. May higit na pagasa sa mangmang kay sa kaniya.

13. Sinabi ng tamad, may leon sa daan; isang leon ay nasa mga lansangan.

14. Kung paano ang pintuan ay pumipihit sa kaniyang bisagra, gayon ang tamad sa kaniyang higaan.

15. Idinadampot ng tamad ang kaniyang kamay sa pinggan; napapagod siyang dalhin uli sa kaniyang bibig.

16. Ang tamad ay lalong pantas sa ganang kaniyang sarili kay sa pitong tao na makapagbibigay katuwiran.

17. Ang nagdaraan, at nakikialam sa pagaaway na hindi ukol sa kaniya, ay gaya ng humahawak ng aso sa mga tainga.

18. Kung paano ang taong ulol na naghahagis ng mga dupong na apoy, mga pana, at kamatayan;

19. Gayon ang tao na nagdadaya sa kaniyang kapuwa, at nagsasabi, hindi ko ba ginagawa sa paglilibang?

20. Sapagka't sa kakulangan ng gatong ay namamatay ang apoy: at kung saan walang mapaghatid-dumapit ay tumitigil ang pagkakaalit.

21. Kung paano ang mga uling sa mga baga, at ang kahoy sa apoy; gayon ang taong madaldal na nagpapaningas ng pagkakaalit.

22. Ang mga salita ng mapaghatid-dumapit ay parang mga masarap na subo, at nagsisibaba sa mga pinakaloob na bahagi ng tiyan.

23. Mga mapusok na labi at masamang puso ay parang sisidlang-lupa na nababalot ng dumi ng pilak.

24. Ang nagtatanim ay nagpapakunwari ng kaniyang mga labi, nguni't siya'y naglalagay ng pagdaraya sa loob niya:

25. Pagka siya'y nagsasalitang mainam, huwag mo siyang paniwalaan; sapagka't may pitong karumaldumal sa kaniyang puso:

26. Bagaman ang kaniyang pagtatanim ay magtakip ng karayaan, at ang kaniyang kasamaan ay lubos na makikilala sa harap ng kapisanan.

27. Ang humuhukay ng lungaw ay mabubuwal doon: at siyang nagpapagulong ng bato, ay babalikan nito siya.

28. Ang sinungaling na dila ay nagtatanim sa mga sinaktan niya; at ang bibig ng kunwang mapagpuri ay gumagawa ng kapahamakan.

About Mga Kawikaan Chapter 26

Read Mga Kawikaan Chapter 26 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Kawikaan
Chapter: 26
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Kawikaan. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Kawikaan Chapter 26 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Kawikaan Chapter 26?

Mga Kawikaan Chapter 26 is part of the Book of Mga Kawikaan in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Kawikaan Chapter 26 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Awit Chapter 1
  3. Mga Kawikaan Chapter 3
  4. Mga Kawikaan Chapter 16
  5. Mga Kawikaan Chapter 12
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 28

Explore More from mga-kawikaan

  1. Mga Kawikaan Chapter 22
  2. Mga Kawikaan Chapter 14
  3. Mga Kawikaan Chapter 13
  4. Mga Kawikaan Chapter 6
  5. Mga Kawikaan Chapter 10
  6. Mga Kawikaan Chapter 12
  7. Mga Kawikaan Chapter 7

Related Chapters & Readings

  1. Job Chapter 41
  2. Isaias Chapter 66
  3. 2 Mga Hari Chapter 4
  4. Mga Kawikaan Chapter 24
  5. Mga Awit Chapter 32
  6. Hebreo Chapter 12
  7. Mateo Chapter 26
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *