Zacarias Chapter 6

For English

Read Zacarias Chapter 6 Online

Read Zacarias Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Zacarias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Zacarias and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Zacarias 6

Kabanata 6

1. At itinanaw ko uli ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, lumabas ang apat na karo mula sa pagitan ng dalawang bundok; at ang mga bundok ay mga bundok na tanso.

2. Sa unang karo ay may mga kabayong mapula; at sa ikalawang karo ay mga kabayong maitim;

3. At sa ikatlong karo ay may mga kabayong maputi; at sa ikaapat na karo ay mga kabayong kulay abo.

4. Nang magkagayo'y ako'y sumagot at sinabi ko sa anghel na nakikipagusap sa akin, Ano ang mga ito, panginoon ko?

5. At ang anghel ay sumagot at nagsabi sa akin, Ito ang apat na hangin sa himpapawid, na lumalabas na pinakasugo mula sa harapan ng Panginoon ng buong lupa.

6. Ang karo na kinasisingkawan ng mga kabayong maitim ay lumalabas sa dakong lupaing hilagaan; at ang sa mga maputi ay lumabas na kasunod ng mga yaon; at ang mga kulay abo ay nagsilabas sa dakong lupaing timugan.

7. At ang mga malakas ay nagsilabas, at nangagpumilit na yumaon upang malibot ang lupa: at kaniyang sinabi, Kayo'y magsiyaon at magparoo't parito sa buong lupa. Sa gayo'y sila'y nangagparoo't parito sa buong lupa.

8. Nang magkagayo'y hiniyawan niya ako, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Narito, silang nagsiparito sa dakong lupaing hilagaan ay nagpatahimik sa aking diwa sa lupaing hilagaan.

9. At ang salita ng Panginoon ay dumating sa akin, na nagsasabi,

10. Kumuha ka sa nangabihag, kay Heldai, kay Tobias, at kay Jedaia; at yumaon ka sa araw ding yaon, at pumasok ka sa bahay ni Josias na anak ni Sefanias, na nagsibalik mula sa Babilonia;

11. Oo, kumuha ka sa kanila ng pilak at ginto, at gawin mong mga putong, at mga iputong mo sa ulo ni Josue na anak ni Josadac, na pangulong saserdote.

12. At salitain mo sa kaniya, na sabihin, Ganito ang salita ng Panginoon ng mga hukbo, na nagsasabi, Narito, ang lalake na ang pangala'y Sanga: at siya'y sisibol sa kaniyang dako; at itatayo niya ang templo ng Panginoon;

13. Sa makatuwid baga'y kaniyang itatayo ang templo ng Panginoon; at siya'y magtataglay ng kaluwalhatian, at mauupo at magpupuno sa kaniyang luklukan; at siya'y magiging saserdote sa kaniyang luklukan: at ang payo ng kapayapaan ay mapapasa pagitan nila kapuwa.

14. At ang mga putong ay magiging pinakaalaala sa templo ng Panginoon kay Helem, at kay Tobias, at kay Jedaia, at kay Hen na anak ni Sefanias.

15. At silang nangasa malayo ay magsisiparito at mangagtatayo sa loob ng templo ng Panginoon, at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa inyo. At ito'y mangyayari kung inyong tatalimahing masikap ang tinig ng Panginoon ninyong Dios.

About Zacarias Chapter 6

Read Zacarias Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Zacarias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Zacarias
Chapter: 6
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Zacarias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Zacarias Chapter 6 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Zacarias Chapter 6?

Zacarias Chapter 6 is part of the Book of Zacarias in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Zacarias Chapter 6 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Awit Chapter 1
  3. Mga Kawikaan Chapter 3
  4. Mga Kawikaan Chapter 16
  5. Mga Kawikaan Chapter 12
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 28

Explore More from Zacarias

  1. Zacarias Chapter 10
  2. Zacarias Chapter 4
  3. Zacarias Chapter 8
  4. Zacarías Chapter 14
  5. Zacarias Chapter 1
  6. Zacarias Chapter 2
  7. Zacarias Chapter 2

Related Chapters & Readings

  1. Hagai Chapter 2
  2. Colosas Chapter 4
  3. Isaias Chapter 15
  4. 1 Mga Hari Chapter 22
  5. Job Chapter 38
  6. Mga Awit Chapter 104
  7. 1 Cronica Chapter 9
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *