Read Oseas Chapter 1 Online
Read Oseas Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Oseas in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Oseas and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Oseas 1
Kabanata 1
1. Ang salita ng Panginoon na dumating kay Oseas na anak ni Beeri, nang mga kaarawan ni Uzias, ni Jotam, ni Ahaz, at ni Ezechias, na mga hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas, na hari sa Israel.
2. Nang unang magsalita ang Panginoon sa pamamagitan ni Oseas, sinabi ng Panginoon kay Oseas, Yumaon ka, magasawa ka sa isang patutot at mga anak sa patutot; sapagka't ang lupain ay gumagawa ng malaking pagpapatutot, na humihiwalay sa Panginoon.
3. Sa gayo'y yumaon siya, at kinuha niya si Gomer na anak ni Diblaim; at siya'y naglihi, at nanganak sa kaniya ng isang lalake.
4. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Jezreel; sapagka't sangdali pa at aking igaganti ang dugo ng Jezreel sa sangbahayan ni Jehu, at aking papaglilikatin ang kaharian ng sangbahayan ni Israel.
5. At mangyayari sa araw na yaon, na aking babaliin ang busog ng Israel sa libis ng Jezreel.
6. At siya'y naglihi uli, at nanganak ng isang babae. At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Lo-ruhama; sapagka't hindi na ako magdadalang habag sa sangbahayan ni Israel, na sa anoman ay hindi ko patatawarin sila.
7. Nguni't ako'y maaawa sa sangbahayan ni Juda, at ililigtas ko sila sa pamamagitan ng Panginoon nilang Dios, at hindi ko ililigtas sila sa pamamagitan ng busog, o sa pamamagitan man ng tabak, o sa pamamagitan man ng pagbabaka, o sa pamamagitan man ng mga kabayo, o sa pamamagitan man ng mga mangangabayo.
8. Nang maihiwalay nga niya sa suso ni Lo-ruhama, siya'y naglihi, at nanganak ng isang lalake.
9. At sinabi ng Panginoon, Tawagin mo ang kaniyang pangalang Loammi; sapagka't kayo'y hindi aking bayan, at ako'y hindi magiging inyong Dios.
10. Gayon ma'y ang bilang ng mga anak ni Israel ay magiging parang buhangin sa dagat na hindi matatakal, o mabibilang man; at mangyayari, na sa dakong pagsabihan sa kanila, Kayo'y hindi aking bayan, sasabihin sa kanila, Kayo'y mga anak ng buhay na Dios.
11. At ang mga anak ni Juda, at ang mga anak ni Israel ay mapipisan, at sila'y mangaghahalal sa kanilang sarili ng isang pangulo, at sila'y magsisisampa mula sa lupain; sapagka't magiging dakila ang kaarawan ng Jezreel.
About Oseas Chapter 1
Read Oseas Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Oseas in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Oseas
Chapter: 1
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Oseas. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Oseas Chapter 1 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Oseas Chapter 1?
Oseas Chapter 1 is part of the Book of Oseas in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Oseas Chapter 1 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Daniel Chapter 1
- Mga Awit Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 6
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 31
Explore More from Oseas
- Oseas Chapter 9
- Oseas Chapter 14
- Oseas Chapter 7
- Oseas Chapter 11
- Oseas Chapter 12
- Oseas Chapter 4
- Oseas Chapter 10