Read Zacarias Chapter 12 Online
Read Zacarias Chapter 12 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Zacarias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Zacarias and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Zacarias 12
Kabanata 12
1. Ang hula na salita ng Panginoon tungkol sa Israel. Ganito ang sabi ng Panginoon, na naguunat ng langit, at naglalagay ng mga patibayan ng lupa, at naglalang ng diwa sa loob ng tao:
2. Narito, aking gagawin ang Jerusalem na isang tazang panglito sa lahat ng bayan sa palibot, at sa Juda man ay magiging gayon sa pagkubkob laban sa Jerusalem.
3. At mangyayari sa araw na yaon, na aking gagawin ang Jerusalem na isang batong mabigat sa lahat ng bayan; lahat ng magsipasan sa kaniya ay mangasusugatang mainam; at ang lahat na bansa sa lupa ay magpipisan laban sa kaniya.
4. Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon, aking tutuligin ang bawa't kabayo, at ang kaniyang sakay ng pagkaulol; at aking ididilat ang aking mga mata sa sangbahayan ni Juda, at aking bubulagin ang bawa't kabayo ng mga bayan.
5. At ang mga pinakapuno sa Juda ay mangagsasabi sa sarili, Ang mga nananahan sa Jerusalem ay aking kalakasan sa Panginoon ng mga hukbo na kanilang Dios.
6. Sa araw na yao'y gagawin kong parang kawali ng apoy sa panggatong ang mga pinakapuno sa Juda at parang sulo na apoy sa gitna ng mga bigkis; at kanilang sasakmalin ang buong bayan sa palibot, sa kanan at sa kaliwa; at ang Jerusalem ay tatahan pa uli sa kaniyang sariling dako, sa makatuwid bagay sa Jerusalem.
7. Ililigtas naman na una ng Panginoon ang mga tolda ng Juda, upang ang kaluwalhatian ng sangbahayan ni David at ang kaluwalhatian ng mga mananahan sa Jerusalem ay huwag magmalaki sa Juda.
8. Sa araw na yaon ay ipagsasanggalang ng Panginoon ang mga mananahan sa Jerusalem, at siyang mahina sa kanila sa araw na yaon ay magiging gaya ni David; at ang sangbahayan ni David ay magiging parang Dios, parang anghel ng Panginoon sa harap nila.
9. At mangyayari sa araw na yaon, na aking pagsisikapang gibain ang lahat na bansa na naparoroon laban sa Jerusalem.
10. At aking bubuhusan ang sangbahayan ni David, at ang mga mananahan sa Jerusalem, ng espiritu ng biyaya at ng daing; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan: at kanilang tatangisan siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at magiging kapanglawan sa kaniya, na parang kapanglawan sa kaniyang panganay.
11. Sa araw na yaon ay magkakaroon ng malaking pagtangis sa Jerusalem, na gaya ng pagtangis kay Adad-rimon sa libis ng Megiddo.
12. At ang lupain ay tatangis, bawa't angkan ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni David ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ng sangbahayan ni Nathan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;
13. Ang angkan ng sangbahayan ni Levi ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod; ang angkan ni Simei ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod;
14. Ang lahat na angkang nalabi, bawa't angkan ay bukod, at ang kanilang mga asawa ay bukod.
About Zacarias Chapter 12
Read Zacarias Chapter 12 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Zacarias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Zacarias
Chapter: 12
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Zacarias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Zacarias Chapter 12 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Zacarias Chapter 12?
Zacarias Chapter 12 is part of the Book of Zacarias in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Zacarias Chapter 12 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Mga Awit Chapter 1
- Daniel Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 6
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 31
Explore More from Zacarias
- Zacarias Chapter 3
- Zacarias Chapter 7
- Zacarías Chapter 5
- Zacarias Chapter 5
- Zacarias Chapter 8
- Zacarias Chapter 8
- Zacarías Chapter 8