Exodo Chapter 24

For English

Read Exodo Chapter 24 Online

Read Exodo Chapter 24 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Exodo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Exodo 24

Kabanata 24

1. At kaniyang sinabi kay Moises, Sumampa ka sa kinaroroonan ng Panginoon, ikaw, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitong pu ng mga matanda sa Israel; at sumamba kayo mula sa malayo:

2. At si Moises lamang ang lalapit sa Panginoon; datapuwa't sila'y hindi lalapit; o ang bayan man ay sasampang kasama niya.

3. At lumapit si Moises at isinaysay sa bayan ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at ang lahat ng mga palatuntunan. At ang buong bayan ay sumagot ng paminsan, at nagsabi, Lahat ng mga salita na sinalita ng Panginoon, ay aming gagawin.

4. At sinulat ni Moises ang lahat ng mga salita ng Panginoon, at bumangon ng maaga sa kinaumagahan, at nagtayo ng isang dambana sa paanan ng bundok, at ng labing dalawang batong pinakaalaala, ayon sa labing dalawang lipi ng Israel.

5. At kaniyang sinugo ang mga binata ng mga anak ni Israel, na nagsipaghandog ng mga handog na susunugin at nagsipaghain sa Panginoon ng handog na baka tungkol sa kapayapaan.

6. At kinuha ni Moises ang kalahati ng dugo, at inilagay sa mga tasa; at ang kalahati ng dugo ay iniwisik sa ibabaw ng dambana.

7. At kaniyang kinuha ang aklat ng tipan, at binasa sa pakinig ng bayan: at kanilang sinabi, Lahat ng sinalita ng Panginoon ay aming gagawin, at kami ay magmamasunurin.

8. At kinuha ni Moises ang dugo at iniwisik sa bayan, at sinabi, Narito ang dugo ng tipan, na ipinakipagtipan ng Panginoon sa inyo tungkol sa lahat ng mga salitang ito.

9. Nang magkagayo'y sumampa si Moises, at si Aaron, si Nadab, at si Abiu, at pitongpu ng mga matanda sa Israel:

10. At kanilang nakita ang Dios ng Israel; at mayroon sa ilalim ng kaniyang mga paa na parang isang yaring lapag na batong zafiro, at paris din ng langit sa kaliwanagan.

11. At sa mga mahal na tao sa mga anak ni Israel ay hindi niya ipinatong ang kaniyang kamay: at sila'y tumingin sa Dios, at kumain at uminom.

12. At sinabi ng Panginoon kay Moises, Sampahin mo ako sa bundok, at dumoon ka: at ikaw ay bibigyan ko ng mga tapyas na bato, at ng kautusan, at ng utos na aking isinulat, upang iyong maituro sa kanila.

13. At tumindig si Moises, at si Josue na kaniyang tagapangasiwa: at si Moises ay sumampa sa bundok ng Dios.

14. At kaniyang sinabi sa mga matanda, Hintayin ninyo kami rito hanggang sa kami ay bumalik sa inyo: at, narito si Aaron at si Hur ay kasama ninyo: sinomang magkaroon ng usap ay lumapit sa kanila.

15. At sumampa si Moises sa bundok at tinakpan ng ulap ang bundok.

16. At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nanahan sa ibabaw ng bundok ng Sinai, at tinakpan ng ulap na anim na araw: at sa ikapitong araw ay tinawag niya si Moises sa gitna ng ulap.

17. At ang anyo ng kaluwalhatian ng Panginoon ay paris ng apoy na manunupok sa ibabaw ng taluktok ng bundok, sa harap ng mga mata ng mga anak ni Israel.

18. At pumasok si Moises sa gitna ng ulap, at sumampa sa bundok: at si Moises ay natira sa bundok na apat na pung araw at apat na pung gabi.

About Exodo Chapter 24

Read Exodo Chapter 24 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Exodo
Chapter: 24
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Exodo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Exodo Chapter 24 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Exodo Chapter 24?

Exodo Chapter 24 is part of the Book of Exodo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Exodo Chapter 24 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Exodo

  1. Exodo Chapter 3
  2. Exodo Chapter 2
  3. Exodo Chapter 4
  4. Exodo Chapter 9
  5. Exodo Chapter 16
  6. Exodo Chapter 13
  7. Exodo Chapter 18

Explore More from Lumang Tipan

  1. Isaias Chapter 49
  2. Ezekiel Chapter 13
  3. Ezekiel Chapter 6
  4. Mga Kawikaan Chapter 25
  5. Mga Bilang Chapter 25
  6. Mga Bilang Chapter 2
  7. Nehemias Chapter 4

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 39
  2. Deuteronomio Chapter 6
  3. Jeremias Chapter 45
  4. 2 Mga Hari Chapter 23
  5. 1 Samuel Chapter 1
  6. Deuteronomio Chapter 1
  7. Pahayag Chapter 18
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *