Oseas Chapter 12

For English

Read Oseas Chapter 12 Online

Read Oseas Chapter 12 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Oseas in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Oseas and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Oseas 12

Kabanata 12

1. Ang Ephraim ay kumakain ng hangin, at sumusunod sa hanging silanganan: siya'y laging nagpaparami ng mga kabulaanan at kasiraan; at sila'y nakikipagtipan sa Asiria, at ang langis ay dinadala sa Egipto.

2. Ang Panginoon ay may pakikipagkaalit din sa Juda, at parurusahan niya ang Jacob ayon sa kaniyang mga lakad; ayon sa kaniyang mga gawa ay gagantihan niya siya.

3. Sa bahay-bata ay kaniyang hinawakan sa sakong ang kaniyang kapatid; at sa kaniyang kabinataan ay nagtaglay ng kapangyarihan ng Dios:

4. Oo, siya'y nagtaglay ng kapangyarihan sa anghel, at nanaig: siya'y tumangis, at namanhik sa kaniya: nasumpungan niya siya sa Beth-el, at doo'y nakipagsalitaan siya sa atin.

5. Sa makatuwid baga'y ang Panginoon, ang Dios ng mga hukbo; ang Panginoon ay kaniyang alaala.

6. Kaya't magbalik-loob ka sa iyong Dios magingat ka ng kaawaan at ng kahatulan, at hintayin mong lagi ang iyong Dios.

7. Mangangalakal siya na may timbangang magdaraya sa kaniyang kamay: maibigin ng pagpighati.

8. At sinabi ng Ephraim, Tunay na ako'y naging mayaman, ako'y nakasumpong ng kayamanan; sa lahat ng aking gawin, walang masusumpungan sila sa akin na kasamaan,

9. Nguni't ako ang Panginoon mong Dios mula sa lupain ng Egipto, akin pa kitang patatahanin uli sa mga tolda, gaya sa mga kaarawan ng takdang kapistahan.

10. Ako rin naman ay nagsalita sa mga propeta, at ako'y nagparami ng mga pangitain; at sa pangangasiwa ng mga propeta ay gumamit ako ng mga talinhaga.

11. Ang Galaad baga'y kasamaan? sila'y pawang walang kabuluhan; sa Gilgal ay nangaghahain sila ng mga toro; oo, ang kanilang dambana ay parang mga bunton sa mga bungkal ng bukid.

12. At si Jacob ay tumakas na napatungo sa parang ng Aram, at naglingkod si Israel dahil sa isang asawa, at dahil sa isang asawa ay nagalaga ng mga tupa.

13. At sa pamamagitan ng isang propeta ay isinampa ng Panginoon ang Israel mula sa Egipto, at sa pamamagitan ng isang propeta, siya'y naingatan.

14. Ang Ephraim ay namungkahi ng di kawasang galit: kaya't ang kaniyang dugo ay maiiwan sa kaniya, at ibabalik ng kaniyang Panginoon sa kaniya ang kakutyaan sa kaniya.

About Oseas Chapter 12

Read Oseas Chapter 12 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Oseas in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Oseas
Chapter: 12
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Oseas. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Oseas Chapter 12 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Oseas Chapter 12?

Oseas Chapter 12 is part of the Book of Oseas in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Oseas Chapter 12 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 3
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Mga Awit Chapter 1
  4. Daniel Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 6
  6. Mga Kawikaan Chapter 11
  7. Mga Kawikaan Chapter 2

Explore More from Oseas

  1. Oseas Chapter 5
  2. Oseas Chapter 8
  3. Oseas Chapter 5
  4. Oseas Chapter 13
  5. Oseas Chapter 14
  6. Oseas Chapter 7
  7. Oseas Chapter 2

Related Chapters & Readings

  1. Deuteronomio Chapter 1
  2. Mga Awit Chapter 43
  3. 1 Samuel Chapter 9
  4. Levitico Chapter 13
  5. 1 Samuel Chapter 17
  6. Mikas Chapter 7
  7. 1 Corinto Chapter 9
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *