Santiago Chapter 4

For English

Read Santiago Chapter 4 Online

Read Santiago Chapter 4 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Santiago in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Santiago and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Santiago 4

Kabanata 4

1. Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga kalayawan na bumabaka sa inyong mga sangkap?

2. Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.

3. Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.

4. Kayong mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.

5. O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?

6. Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

7. Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

8. Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may dalawang akala.

9. Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

10. Mangagpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

11. Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, o humahatol sa kaniyang kapatid, ay nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.

12. Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at makapagwawasak: datapuwa't sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?

13. Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:

14. Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.

15. Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.

16. Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.

17. Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.

About Santiago Chapter 4

Read Santiago Chapter 4 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Santiago in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Santiago
Chapter: 4
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Santiago. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Santiago Chapter 4 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Santiago Chapter 4?

Santiago Chapter 4 is part of the Book of Santiago in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Santiago Chapter 4 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Bagong Tipan

  1. Pahayag Chapter 15
  2. Pahayag Chapter 2
  3. Pahayag Chapter 3
  4. Pahayag Chapter 13
  5. Pahayag Chapter 12
  6. Pahayag Chapter 7
  7. Pahayag Chapter 16

Explore More from santiago

  1. Santiago Chapter 1
  2. Santiago Chapter 5
  3. Santiago Chapter 2
  4. Santiago Chapter 1
  5. Santiago Chapter 3
  6. Santiago Chapter 3
  7. Santiago Chapter 1

Related Chapters & Readings

  1. Mga Gawa Chapter 23
  2. Exodo Chapter 37
  3. Isaias Chapter 40
  4. Zacarias Chapter 9
  5. Mga Gawa Chapter 8
  6. Isaias Chapter 51
  7. Isaias Chapter 48
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *