Mga Kawikaan Chapter 17

For English

Read Mga Kawikaan Chapter 17 Online

Read Mga Kawikaan Chapter 17 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Kawikaan and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Kawikaan 17

Kabanata 17

1. Maigi ang isang tuyong subo at may katahimikan, kay sa bahay na may laging pistahan na may kaalitan.

2. Ang lingkod na gumagawang may kapantasan ay nagpupuno sa anak na nakahihiya, at siya'y makakabahagi sa mana ng magkakapatid.

3. Ang dalisayan ay sa pilak, at ang hurno ay sa ginto: nguni't sinusubok ng Panginoon ang mga puso.

4. Ang manggagawa ng kasamaan ay nakikinig sa masasamang labi; at ang sinungaling ay nakikinig sa masamang dila.

5. Sinomang tumutuya sa dukha ay dumudusta sa Maylalang sa kaniya: at ang natutuwa sa kasakunaan ay walang pagsalang parurusahan.

6. Ang mga anak ng mga anak ay putong ng mga matatandang tao; at ang kaluwalhatian ng mga anak ay ang kanilang mga magulang.

7. Ang marilag na pananalita ay hindi nagiging mabuti sa mangmang: lalo na ang magdarayang mga labi, sa isang pangulo.

8. Ang suhol ay parang mahalagang bato sa mga mata ng nagtatamo: saan man pumihit ay gumiginhawa.

9. Ang nagtatakip ng pagsalangsang ay humahanap ng pagibig: nguni't ang nagdadadaldal tungkol sa anoman ay naghihiwalay ng magkakaibigang matalik.

10. Ang saway ay nanasok na taimtim sa isang naguunawa, kay sa isang daang hampas sa mangmang.

11. Ang hinahanap lamang ng masamang tao ay panghihimagsik; kaya't isang mabagsik na sugo ay susuguin laban sa kaniya.

12. Masalubong ang tao ng oso na nanakawan ng kaniyang mga anak, maigi kay sa mangmang sa kaniyang kamangmangan.

13. Sinomang gumaganti ng kasamaan sa mabuti, kasamaan ay hindi hihiwalay sa kaniyang bahay.

14. Ang pasimula ng pagkakaalit ay gaya ng pagbuga ng tubig: kaya't iwan ninyo ang pagtatalo, bago maginit sa pagkakaalit.

15. Siya na umaaring ganap sa masama, at siya na nagpaparusa sa matuwid, kapuwa sila kasuklamsuklam sa Panginoon.

16. Bakit may halaga sa kamay ng mangmang upang ibili ng karunungan, gayong wala siyang pagkaunawa?

17. Ang kaibigan ay umiibig sa lahat ng panahon, at ang kapatid ay ipinanganak na ukol sa kasakunaan.

18. Ang taong walang unawa ay nakikikamay, at nagiging mananagot sa harapan ng kaniyang kapuwa.

19. Ang umiibig sa pagsalangsang ay umiibig sa pagkakaalit: ang nagtataas ng kaniyang pintuan ay humahanap ng kapahamakan.

20. Siyang may magdarayang puso ay hindi nakakasumpong ng mabuti: at siyang may suwail na dila ay nahuhulog sa karalitaan.

21. Ang nanganganak ng mangmang ay sa kaniyang kapanglawan: at ang ama ng mangmang ay walang kagalakan.

22. Ang masayang puso ay mabuting kagamutan: nguni't ang bagbag na diwa ay tumutuyo ng mga buto.

23. Ang masama ay tumatanggap ng suhol mula sa sinapupunan, upang ipahamak ang daan ng kahatulan.

24. Karunungan ay nasa harap ng mukha ng naguunawa: nguni't ang mga mata ng mangmang ay nasa mga wakas ng lupa.

25. Ang mangmang na anak ay hirap sa kaniyang ama, at kapaitan sa nanganak sa kaniya.

26. Parusahan naman ang matuwid ay hindi mabuti, ni saktan man ang mahal na tao dahil sa kanilang katuwiran.

27. Siyang nagtitipid ng kaniyang mga salita ay may kaalaman: at siyang may diwang malamig ay taong naguunawa.

28. Ang mangmang man, pagka siya'y tumatahimik, ay nabibilang na pantas: pagka kaniyang tinitikom ang kaniyang mga labi, ay inaari siyang mabait.

About Mga Kawikaan Chapter 17

Read Mga Kawikaan Chapter 17 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Kawikaan
Chapter: 17
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Kawikaan. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Kawikaan Chapter 17 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Kawikaan Chapter 17?

Mga Kawikaan Chapter 17 is part of the Book of Mga Kawikaan in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Kawikaan Chapter 17 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Awit Chapter 1
  3. Mga Kawikaan Chapter 3
  4. Mga Kawikaan Chapter 16
  5. Mga Kawikaan Chapter 12
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 28

Explore More from mga-kawikaan

  1. Mga Kawikaan Chapter 15
  2. Mga Kawikaan Chapter 29
  3. Mga Kawikaan Chapter 18
  4. Mga Kawikaan Chapter 13
  5. Mga Kawikaan Chapter 27
  6. Mga Kawikaan Chapter 10
  7. Mga Kawikaan Chapter 25

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 112
  2. Ezra Chapter 2
  3. Ezekiel Chapter 44
  4. Jeremias Chapter 15
  5. Roma Chapter 6
  6. Zacarias Chapter 13
  7. Deuteronomio Chapter 23
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *