Isaias Chapter 21

For English

Read Isaias Chapter 21 Online

Read Isaias Chapter 21 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Isaias and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Isaias 21

Kabanata 21

1. Ang hula tungkol sa ilang na nasa baybayin ng dagat. Kung paanong umiikot ang mga ipoipo sa Timugan gayon dumarating ang hangin na mula sa ilang mula sa kakilakilabot na lupain.

2. Isang malubhang pangitain ay naipahayag sa akin; ang manggagawa ng karayaan ay gumagawang may karayaan, at ang mananamsam ay nananamsam. Umahon ka, Oh Elam; kumubkob ka, Oh Media; lahat ng buntong-hininga niya'y aking pinatigil.

3. Kaya't ang aking mga balakang ay puspos ng kahirapan; mga hirap ay dinamdam ko, gaya ng mga hirap ng babae sa pagdaramdam; ako'y naghihirap na anopa't hindi ako makarinig; ako'y nanglulupaypay na anopa't hindi ako makakita.

4. Ang aking puso ay sumisikdo, kakilabutan ay tumakot sa akin: ang pagtatakip-silim na aking ninasa ay naging kapanginigan sa akin.

5. Sila'y nangaghanda ng dulang, sila'y nangaglagay ng bantay, sila'y nagsisikain, sila'y nagsisiinom: magsitindig kayo, kayong mga pangulo, inyong ihanda ang kalasag.

6. Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay yumaon, maglagay ka ng bantay; ipahayag niya kung ano ang nakikita niya:

7. At pagka siya'y nakakita ng pulutong, ng mga nangangabayong dalawa't dalawa, ng mga asno, ng pulutong ng mga kamelyo siya'y masikap na makikinig na ma'y pagiingat.

8. At siya'y umungal na parang leon: Oh Panginoon, ako'y tumatayong lagi sa moog na bantayan kung araw, at ako'y tumatanod sa aking bantayan na magdamagan:

9. At, narito, dito'y dumarating ang isang pulutong na lalake, mga nangangabayong dalawa't dalawa. At siya'y sumagot at nagsabi, Babilonia ay nabagsak, nabagsak, at lahat na larawang inanyuan na kaniyang mga dios ay nangabagsak sa lupa.

10. Oh ikaw na aking giniik, at trigo ng aking giikan: ang aking narinig sa Panginoon ng mga hukbo, sa Dios ng Israel, aking ipinahayag sa iyo.

11. Ang hula tungkol sa Duma. May tumatawag sa akin mula sa Seir, Bantay, anong nangyari sa gabi? Bantay, anong nangyari sa gabi?

12. Sinabi ng bantay, Ang umaga ay dumarating, at gayon din ang gabi: kung inyong uusisain, usisain ninyo: magsipihit kayo, parito kayo.

13. Ang hula tungkol sa Arabia. Sa gubat ng Arabia ay magsisitigil kayo, Oh kayong nangaglalakbay na pulupulutong na mga Dedaneo.

14. Ang nauuhaw ay dinadalhan nila ng tubig; sinalubong ng mga nananahan sa lupain ng Tema na may kanilang tinapay ang mga bihag.

15. Sapagka't kanilang tinatakasan ang mga tabak, ang bunot na tabak, at ang akmang busog, at ang lala ng digmaan.

16. Sapagka't ganito ang sinabi ng Panginoon sa akin, Sa loob ng isang taon, ayon sa mga taon ng magpapaupa, ang lahat ng kaluwalhatian ng Cedar ay mapapawi:

17. At ang malabi sa bilang sa mga mangbubusog, sa mga makapangyarihang lalake na mga anak ni Cedar, ay mangiilan: sapagka't ang Panginoon, ang Dios ng Israel, siyang nagsalita.

About Isaias Chapter 21

Read Isaias Chapter 21 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Isaias
Chapter: 21
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Isaias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Isaias Chapter 21 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Isaias Chapter 21?

Isaias Chapter 21 is part of the Book of Isaias in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Isaias Chapter 21 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Isaias

  1. Isaias Chapter 1
  2. Isaias Chapter 9
  3. Isaias Chapter 24
  4. Isaias Chapter 7
  5. Isaias Chapter 5
  6. Isaias Chapter 2
  7. Isaias Chapter 19

Explore More from Lumang Tipan

  1. 1 Samuel Chapter 24
  2. Jeremias Chapter 33
  3. Exodo Chapter 9
  4. 2 Samuel Chapter 9
  5. Deuteronomio Chapter 2
  6. Daniel Chapter 4
  7. Genesis Chapter 22

Related Chapters & Readings

  1. Mga Gawa Chapter 17
  2. Mateo Chapter 28
  3. Ester Chapter 5
  4. Juan Chapter 7
  5. Mga Bilang Chapter 35
  6. Ezekiel Chapter 24
  7. 2 Mga Hari Chapter 11
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *