Mga Kawikaan Chapter 5

For English

Read Mga Kawikaan Chapter 5 Online

Read Mga Kawikaan Chapter 5 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Kawikaan and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Kawikaan 5

Kabanata 5

1. Anak ko, pakinggan mo ang aking karunungan; ikiling mo ang iyong pakinig sa aking unawa:

2. Upang makapagingat ka ng kabaitan, at upang ang iyong mga labi ay makapagingat ng kaalaman.

3. Sapagka't ang mga labi ng masamang babae ay tumutulo ng pulot, at ang kaniyang bibig ay madulas kay sa langis:

4. Nguni't ang kaniyang huling wakas ay mapait kay sa ahenho, matalas na parang tabak na may talim sa magkabila.

5. Ang kaniyang mga paa ay nagsisibaba sa kamatayan; ang kaniyang mga hakbang ay nagsisihawak sa Sheol;

6. Na anopa't hindi niya nasusumpungan ang kapanatagan ng landas ng buhay; ang kaniyang mga lakad ay hindi panatag, at hindi niya nalalaman.

7. Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako, at huwag kayong magsihiwalay sa mga salita ng aking bibig.

8. Ilayo mo ang iyong lakad sa kaniya, at huwag kang lumapit sa pintuan ng kaniyang bahay:

9. Baka mo ibigay ang iyong karangalan sa iba, at ang iyong mga taon sa mga mabagsik:

10. Baka ang mga di kilalang babae ay mapuno ng iyong kalakasan; at ang iyong mga pinagpagalan ay mapasa bahay ng kaapid;

11. At ikaw ay manangis sa iyong huling wakas, pagka ang iyong laman at ang iyong katawan ay natunaw,

12. At iyong sabihin, bakit ko kinayamutan ang turo, at hinamak ng aking puso ang saway:

13. Ni hindi ko man sinunod ang tinig ng aking mga tagapagturo, O ikiling ko man ang aking pakinig sa kanila na mga nagturo sa akin!

14. Ako'y malapit sa lahat ng kasamaan sa gitna ng kapisanan at ng kapulungan.

15. Uminom ka ng tubig sa iyong sariling tipunan ng tubig, at sa nagsisiagos na tubig sa iyong sariling balon.

16. Mananabog ba ang iyong mga bukal sa kaluwangan, at mga agos ng tubig sa mga lansangan?

17. Maging iyong magisa, at huwag sa di kilala na kasama mo.

18. Pagpalain ang iyong bukal; at magalak ka sa asawa ng iyong kabataan.

19. Gaya ng maibiging usa at ng masayang usang babae, bigyan kang katiwasayan ng kaniyang dibdib sa buong panahon; at laging malugod ka sa kaniyang pagibig.

20. Sapagka't bakit ka malulugod, anak ko, sa ibang babae, at yayakap sa sinapupunan ng di kilala?

21. Sapagka't ang mga lakad ng tao ay nasa harap ng mga mata ng Panginoon, at kaniyang pinapatag ang lahat niyang mga landas.

22. Ang sarili niyang mga kasamaan ay kukuha sa masama. At siya'y matatalian ng mga panali ng kaniyang kasalanan.

23. Siya'y mamamatay sa kakulangan ng turo; at sa kadahilanan ng kaniyang pagkaulol ay maliligaw siya.

About Mga Kawikaan Chapter 5

Read Mga Kawikaan Chapter 5 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Kawikaan in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Kawikaan
Chapter: 5
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Kawikaan. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Kawikaan Chapter 5 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Kawikaan Chapter 5?

Mga Kawikaan Chapter 5 is part of the Book of Mga Kawikaan in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Kawikaan Chapter 5 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Awit Chapter 1
  3. Mga Kawikaan Chapter 3
  4. Mga Kawikaan Chapter 16
  5. Mga Kawikaan Chapter 12
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 28

Explore More from mga-kawikaan

  1. Mga Kawikaan Chapter 9
  2. Mga Kawikaan Chapter 19
  3. Mga Kawikaan Chapter 28
  4. Mga Kawikaan Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 2
  6. Mga Kawikaan Chapter 12
  7. Mga Kawikaan Chapter 18

Related Chapters & Readings

  1. 1 Cronica Chapter 12
  2. Deuteronomio Chapter 27
  3. Mga Bilang Chapter 11
  4. Mga Awit Chapter 61
  5. Mga Awit Chapter 37
  6. Mga Awit Chapter 22
  7. Levitico Chapter 26
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *