Amos Chapter 1

For English

Read Amos Chapter 1 Online

Read Amos Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Amos in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Amos and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Amos 1

Kabanata 1

1. Ang mga salita ni Amos, na nasa gitna ng mga pastor sa Tecoa, na nakita niya tungkol sa Israel, nang mga kaarawan ni Uzzia na hari sa Juda, at nang mga kaarawan ni Jeroboam na anak ni Joas na hari sa Israel, na dalawang taon bago lumindol.

2. At kaniyang sinabi, Ang Panginoon ay aangal mula sa Sion, at sisigaw ng kaniyang tinig mula sa Jerusalem; at ang mga pastulan ng mga pastor ay mananambitan, at ang taluktok ng Carmelo ay matutuyo.

3. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Damasco, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang giniik ang Galaad ng panggiik na bakal.

4. Nguni't aking susuguin ang isang apoy sa loob ng bahay ni Hazael, at susupukin niyaon ang mga palacio ni Ben-hadad.

5. At aking iwawasak ang halang ng Damasco, at aking ihihiwalay ang mananahan mula sa libis ng Aven, at siyang humahawak ng cetro mula sa bahay ng Eden; at ang bayan ng Siria ay papasok sa pagkabihag hanggang sa Chir, sabi ng Panginoon.

6. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Gaza, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang dinalang bihag ang buong bayan, upang ibigay sa Edom.

7. Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Gaza, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon:

8. At aking ihihiwalay ang mananahan mula sa Asdod, at siyang humahawak ng cetro mula sa Ascalon; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa Ecron, at ang nalabi sa mga Filisteo ay malilipol, sabi ng Panginoong Dios.

9. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Tiro, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't kanilang ibinigay ang buong bayan sa Edom, at hindi inalaala ang tipan ng pagkakapatiran.

10. Nguni't ako'y magsusugo ng isang apoy sa kuta ng Tiro, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon.

11. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng Edom, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kaniya; sapagka't hinabol niya ng tabak ang kaniyang kapatid, at ipinagkait ang buong habag, at ang kaniyang galit ay laging nanglilipol, at taglay niya ang kaniyang poot magpakailan man.

12. Nguni't magsusugo ako ng isang apoy sa Teman, at susupukin niyaon ang mga palacio sa Bozra.

13. Ganito ang sabi ng Panginoon: Dahil sa tatlong pagsalangsang ng mga anak ni Ammon, oo, dahil sa apat, hindi ko ihihiwalay ang kaparusahan sa kanila; sapagka't kanilang pinaluwa ang bituka ng mga babaing nagdadalang tao sa Galaad, upang kanilang mapalapad ang kanilang hangganan.

14. Nguni't aking papagniningasin ang isang apoy sa kuta ng Rabba, at susupukin niyaon ang mga palacio niyaon, na may hiyawan sa kaarawan ng pagbabaka, na may bagyo sa kaarawan ng ipoipo;

15. At ang kanilang hari ay papasok sa pagkabihag, siya at ang kaniyang mga prinsipe na magkakasama, sabi ng Panginoon.

About Amos Chapter 1

Read Amos Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Amos in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Amos
Chapter: 1
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Amos. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Amos Chapter 1 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Amos Chapter 1?

Amos Chapter 1 is part of the Book of Amos in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Amos Chapter 1 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Amos

  1. Amos Chapter 8
  2. Amos Chapter 4
  3. Amos Chapter 9
  4. Amos Chapter 1
  5. Amos Chapter 9
  6. Amos Chapter 2
  7. Amos Chapter 8

Explore More from Lumang Tipan

  1. Ezra Chapter 10
  2. Oseas Chapter 12
  3. Jeremias Chapter 8
  4. Isaias Chapter 42
  5. Mga Awit Chapter 29
  6. 2 Mga Hari Chapter 21
  7. Mga Awit Chapter 9

Related Chapters & Readings

  1. Job Chapter 36
  2. Oseas Chapter 9
  3. Mga Awit Chapter 99
  4. Zacarias Chapter 10
  5. Mga Bilang Chapter 9
  6. 1 Samuel Chapter 6
  7. Genesis Chapter 33
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *