Exodo Chapter 27

For English

Read Exodo Chapter 27 Online

Read Exodo Chapter 27 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Exodo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Exodo 27

Kabanata 27

1. At gagawin mong kahoy ng akasia ang dambana, na limang siko ang haba at limang siko ang luwang; ang dambana ay gagawing parisukat: at ang taas ay magkakaroon ng tatlong siko.

2. At gagawin mo ang mga anyong sungay sa ibabaw ng apat na sulok niyaon: ang mga anyong sungay ay kaputol din, at iyong babalutin ng tanso.

3. At igagawa mo ng kaniyang mga kawa upang magalis ng mga abo, at ng mga pala, at ng mga mangkok, at ng mga pangalawit at ng mga suuban: lahat ng mga kasangkapa'y gagawin mong tanso.

4. At igagawa mo ng isang salang tanso na tila lambat ang yari, at ang ibabaw ng nilambat ay igagawa mo ng apat na argolyang tanso sa apat na sulok niyaon.

5. At ilalagay mo sa ibaba ng gilid ng dambana, sa dakong ibaba, upang ang nilambat ay umabot hanggang sa kalahatian ng dambana.

6. At igagawa mo ng mga pingga ang dambana, mga pinggang kahoy na akasia at babalutin mo ng tanso.

7. At ang mga pingga niyao'y isusuot sa mga argolya, at ang mga pingga ay ilalagay sa dalawang tagiliran ng dambana, pagka dinadala.

8. Gagawin mo ang dambana na kuluong sa pamamagitan ng mga tabla kung paano ang ipinakita sa iyo sa bundok, ay gayon gagawin nila.

9. At iyong gagawin ang looban ng tabernakulo: sa tagilirang timugan na dakong timugan ay magkakaroon ng mga tabing sa looban na linong pinili, na may isang daang siko ang haba sa isang tagiliran:

10. At ang ihahaligi doo'y dalawang pu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawang pu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete niyaon ay pilak.

11. At gayon din sa tagilirang dakong hilagaan, sa kahabaan ay magkakaroon ng mga tabing na may isang daang siko ang haba, at ang mga haligi ng mga yaon ay dalawangpu, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay dalawangpu na tanso; ang mga sima ng mga haligi at ang mga pilete ng mga yaon ay pilak.

12. At sa kaluwangan ng looban sa kalunuran ay magkakaroon ng mga tabing na may limangpung siko: ang haligi ng mga yaon ay sangpu at ang mga tungtungan ng mga yaon ay sangpu.

13. At sa kaluwangan ng looban sa dakong silanganan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay magkakaroon ng limangpung siko.

14. Ang mga tabing sa isang dako ng pintuang-daan ay magkakaroon ng labinglimang siko: ang mga haligi ng mga yaon ay tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tatlo rin.

15. At sa kabilang dako'y magkakaroon ng mga tabing na ma'y labing limang siko: ang mga haligi ng mga yao'y tatlo, at ang mga tungtungan ng mga yao'y tatlo.

16. At sa pintuan ng looban ay magkakaroon ng isang tabing na may dalawang pung siko, na ang kayo'y bughaw, at kulay-ube, at pula, at kayong linong pinili, na yari ng mangbuburda: ang mga haligi ng mga yao'y apat, at ang mga tungtungan ng mga yao'y apat.

17. Lahat ng haligi sa palibot ng looban ay pagsusugpungin ng mga pileteng pilak; ang mga sima ng mga yaon ay pilak, at ang mga tungtungan ng mga yaon ay tanso.

18. Ang haba ng looban ay magkakaroon ng isang daang siko, at ang luwang ay limang pu magpasaan man, at ang taas ay limang siko, kayong linong pinili, at ang mga tuntungan ay tanso.

19. Lahat ng mga kasangkapan ng tabernakulo, sa buong paglilingkod doon, at lahat ng mga tulos niyaon, at lahat ng mga tulos ng looban ay tanso.

20. At iyong iuutos sa mga anak ni Israel na sila'y magdala sa iyo ng taganas na langis ng binayong oliba na pangilawan, upang papagningasing palagi ang ilawan.

21. Sa tabernakulo ng kapisanan sa labas ng lambong na nasa harap ng kaban ng patotoo, ay aayusin yaon ni Aaron at ng kaniyang mga anak mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: magiging palatuntunan sa buong panahon ng kanilang lahi sa ikagagaling ng mga anak ni Israel.

About Exodo Chapter 27

Read Exodo Chapter 27 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Exodo
Chapter: 27
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Exodo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Exodo Chapter 27 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Exodo Chapter 27?

Exodo Chapter 27 is part of the Book of Exodo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Exodo Chapter 27 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Exodo

  1. Exodo Chapter 3
  2. Exodo Chapter 2
  3. Exodo Chapter 4
  4. Exodo Chapter 9
  5. Exodo Chapter 18
  6. Exodo Chapter 13
  7. Exodo Chapter 16

Explore More from Lumang Tipan

  1. Jeremias Chapter 31
  2. 2 Mga Hari Chapter 25
  3. Mga Awit Chapter 103
  4. Deuteronomio Chapter 18
  5. Exodo Chapter 10
  6. Genesis Chapter 48
  7. Josue Chapter 17

Related Chapters & Readings

  1. 1 Tesalonica Chapter 5
  2. Genesis Chapter 40
  3. Mga Awit Chapter 91
  4. Mga Awit Chapter 93
  5. 1 Cronica Chapter 3
  6. Mga Kawikaan Chapter 16
  7. 1 Cronica Chapter 6
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *