Isaias Chapter 25

For English

Read Isaias Chapter 25 Online

Read Isaias Chapter 25 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Isaias and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Isaias 25

Kabanata 25

1. Oh Panginoon, ikaw ay aking Dios; aking ibubunyi ka, aking pupurihin ang iyong pangalan; sapagka't ikaw ay gumawa ng kagilagilalas na bagay, sa makatuwid baga'y ang iyong binalak noong una, sa pagtatapat at katotohanan.

2. Sapagka't iyong pinapaging isang bunton ang isang bayan, ang bayang matibay ay pinapaging isang guho: ang palasio ng mga taga ibang lupa ay di na magiging bayan; hindi matatayo kailan man.

3. Kaya't luluwalhatiin ka ng matibay na bayan, ang bayan ng kakilakilabot na mga bansa ay matatakot sa iyo.

4. Sapagka't ikaw ay naging ampunan sa dukha, ampunan sa mapagkailangan sa kaniyang kahirapan, silongan sa bagyo, lilim sa init, pagka ang hihip ng mga kakilakilabot ay parang bagyo laban sa kuta.

5. Gaya ng init sa tuyong dako patitigilin mo ang ingay ng mga taga ibang lupa; gaya ng init sa pamamagitan ng lilim ng alapaap, matitigil ang awit ng mga kakilakilabot.

6. At sa bundok na ito ay gagawa ang Panginoon ng mga hukbo sa lahat ng mga bayan, ng isang kapistahan ng mga matabang bagay, ng isang kapistahan ng mga alak na laon, ng mga matabang bagay na puno ng utak, ng mga alak na laon na totoong sala.

7. At kaniyang aalisin sa bundok na ito ang takip na nalagay sa lahat ng mga bayan, at ang lambong na naladlad sa lahat na bansa.

8. Sinakmal niya ang kamatayan magpakailan man; at papahirin ng Panginoong Dios ang mga luha sa lahat ng mga mukha; at ang kakutyaan ng kaniyang bayan ay maaalis sa buong lupa: sapagka't sinalita ng Panginoon.

9. At sasabihin sa araw na yaon, Narito, ito'y ating Dios; hinintay natin siya, at ililigtas niya tayo: ito ang Panginoon; ating hinintay siya, tayo'y matutuwa at magagalak sa kaniyang pagliligtas.

10. Sapagka't sa bundok na ito magpapahinga ang kamay ng Panginoon; at ang Moab ay mayayapakan sa kaniyang dako, gaya ng dayami na nayayapakan sa tapunan ng dumi.

11. At kaniyang iuunat ang kaniyang mga kamay sa gitna niyaon, gaya ng paguunat ng lumalangoy upang lumangoy: at kaniyang ibababa ang kaniyang kapalaluan sangpu ng gawa ng kaniyang mga kamay.

12. At ang mataas na moog ng iyong mga kuta ay kaniyang ibinaba, giniba, at ibinagsak sa lupa, hanggang sa alabok.

About Isaias Chapter 25

Read Isaias Chapter 25 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Isaias
Chapter: 25
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Isaias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Isaias Chapter 25 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Isaias Chapter 25?

Isaias Chapter 25 is part of the Book of Isaias in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Isaias Chapter 25 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Isaias

  1. Isaias Chapter 1
  2. Isaias Chapter 24
  3. Isaias Chapter 2
  4. Isaias Chapter 10
  5. Isaias Chapter 8
  6. Isaias Chapter 7
  7. Isaias Chapter 5

Explore More from Lumang Tipan

  1. Job Chapter 36
  2. Jeremias Chapter 2
  3. Mga Awit Chapter 93
  4. Awit ni Solomon Chapter 3
  5. Mga Awit Chapter 81
  6. Mga Bilang Chapter 6
  7. Mga Kawikaan Chapter 11

Related Chapters & Readings

  1. 2 Tesalonica Chapter 3
  2. Isaias Chapter 48
  3. Mikas Chapter 7
  4. Levitico Chapter 13
  5. Genesis Chapter 18
  6. 1 Cronica Chapter 22
  7. Mga Awit Chapter 116
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *