Read Isaias Chapter 31 Online
Read Isaias Chapter 31 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Isaias and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Isaias 31
Kabanata 31
1. Sa aba nila na nagsisilusong sa Egipto na humihinging tulong, at nagsisiasa sa mga kabayo; at nagsisitiwala sa mga karo, sapagka't marami, at sa mga mangangabayo, sapagka't mga totoong napakalakas; nguni't hindi sila nagsisitiwala sa Banal ng Israel, o hinahanap man ang Panginoon!
2. Gayon ma'y siya'y pantas, at magdadala ng kasamaan, at hindi iuurong ang kaniyang mga salita, kundi babangon laban sa bahay ng mga manggagawa ng kasamaan, at laban sa tulong nila na nagsisigawa ng kasamaan.
3. Ang mga Egipcio nga ay mga tao, at hindi Dios; at ang kanilang mga kabayo ay laman, at hindi diwa: at pagka iuunat ng Panginoon ang kaniyang kamay, siyang tumutulong ay matitisod, at gayon din siyang tinutulungan ay mabubuwal, at silang lahat ay mangalilipol na magkakasama.
4. Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon sa akin, Kung paano na ang leon at ang batang leon ay umuungal sa kaniyang huli, pagka ang karamihan ng mga pastor ay nagpipisan laban sa kaniya, na hindi siya matatakot sa kanilang tinig, o maduduwag man dahil sa ingay nila: gayon bababa ang Panginoon ng mga hukbo sa bundok ng Sion, at sa burol niyaon upang makipaglaban.
5. Gaya ng mga ibong nagsisilipad gayon aampunin ng Panginoon ng mga hukbo ang Jerusalem; yao'y kaniyang aampunin at ililigtas, siya'y daraan at iingatan niya,
6. Kayo'y manumbalik sa kaniya na inyong pinanghimagsikan lubha, Oh mga anak ni Israel.
7. Sapagka't sa araw na yaon ay itatapon ng bawa't tao ang kaniyang mga diosdiosang pilak, at ang kaniyang mga diosdiosang ginto, na ginawa ng inyong sariling mga kamay, sa ganang inyo ay naging kasalanan,
8. Kung magkagayo'y mabubuwal ang taga Asiria sa pamamagitan ng tabak, na hindi sa tao: at ang tabak, na hindi sa mga tao, lalamon sa kaniya: at kaniyang tatakasan ang tabak, at ang kaniyang mga binata ay magiging mamumuwis.
9. At ang kaniyang malaking bato ay lalagpasan, dahil sa kakilabutan, at ang kaniyang mga pangulo ay masisindak sa watawat, sabi ng Panginoon, na ang kaniyang apoy ay nasa Sion, at ang kaniyang hurno ay nasa Jerusalem.
About Isaias Chapter 31
Read Isaias Chapter 31 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Isaias
Chapter: 31
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Isaias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Isaias Chapter 31 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Isaias Chapter 31?
Isaias Chapter 31 is part of the Book of Isaias in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Isaias Chapter 31 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Isaias
- Isaias Chapter 1
- Isaias Chapter 24
- Isaias Chapter 2
- Isaias Chapter 10
- Isaias Chapter 8
- Isaias Chapter 7
- Isaias Chapter 5
Explore More from Lumang Tipan
- 2 Samuel Chapter 13
- Ezekiel Chapter 40
- Ezekiel Chapter 7
- Josue Chapter 5
- Mga Awit Chapter 85
- 2 Cronica Chapter 18
- Awit ni Solomon Chapter 3