Isaias Chapter 16

For English

Read Isaias Chapter 16 Online

Read Isaias Chapter 16 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Isaias and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Isaias 16

Kabanata 16

1. Ipadadala ninyo ang mga kordero na ukol sa pinuno ng lupain mula sa Selah na nasa dakong ilang, hanggang sa bundok ng anak na babae ng Sion.

2. Sapagka't mangyayari, na gaya ng mga ibong nagsisigala, na gaya ng kalat na pugad, magiging gayon ang mga anak na babae ng Moab sa mga tawiran ng Arnon.

3. Magpayo ka, magsagawa ka ng kahatulan; iyong gawin ang iyong anino na gaya ng gabi sa gitna ng katanghaliang tapat: ikubli mo ang mga tapon; huwag mong ilitaw ang palaboy.

4. Patirahin mong kasama mo ang aking natapon; tungkol sa Moab, maging kanlungan ka niya sa mukha ng mananamsam: sapagka't ang mamimighati ay mauuwi sa wala, ang pagsamsam ay matitigil, ang mga mamimighati ay malilipol sa lupain.

5. At ang luklukan ay matatatag sa kagandahang-loob, at isa'y uupo roon sa katotohanan, sa tabernakulo ni David; na humahatol at humahanap ng kahatulan, at nagmamadaling nagsasagawa ng katuwiran.

6. Aming nabalitaan ang kapalaluan ng Moab, na siya'y totoong palalo; ang kaniyang kahambugan, at ang kaniyang kapalaluan, at ang kaniyang poot, ang kaniyang paghahambog ay nauuwi sa wala.

7. Kaya't aangal ang Moab dahil sa Moab, bawa't isa'y aangal: dahil sa mga binilong pasas ng Kirhareseth ay mananangis kayong lubha na nangamamanglaw.

8. Sapagka't ang mga bukid ng Hesbon ay nanghihina, at ang ubasan ng Sibma; sinira ng mga mahal na tao ng mga bansa ang mga piling pananim niyaon; sila'y nagsisapit hanggang sa Jazer, sila'y nagsilaboy sa ilang; ang kaniyang mga sanga ay nangalaladlad, sila'y nagsitawid sa dagat.

9. Kaya't iiyak ako ng iyak ng Jazer dahil sa puno ng ubas ng Sibma: aking didiligin ka ng aking mga luha, Oh Hesbon, at Eleale; sapagka't sa iyong mga bunga ng taginit at sa iyong pagaani, dumating ang hiyaw sa pakikipagbaka.

10. At ang kasayahan ay naalis, at ang kagalakan sa mainam na bukid; at sa mga ubasan ay hindi magkakaroon ng mga awitan, o masayang kaingay man: walang manyayapak na gagawa ng alak sa alakan; aking pinatigil ang awitan sa pagaani.

11. Kaya't ang aking tiyan ay tumutunog na parang alpa dahil sa Moab, at ang aking mga lamang-loob dahil sa Kir-hares.

12. At mangyayari, pagka ang Moab ay humarap, pagka siya'y napagod sa mataas na dako, at paroroon sa kaniyang santuario upang dumalangin, ay hindi siya mananaig.

13. Ito ang salita na sinalita ng Panginoon tungkol sa Moab sa panahong nakaraan.

14. Nguni't ngayo'y nagsalita ang Panginoon, na nagsasabi, Sa loob ng tatlong taon, na gaya ng mga taon ng isang upahan, ay mawawalang kabuluhan ang kaluwalhatian ng Moab sangpu ng lahat niyang karamihan; at ang nalabi ay mangangaunti at walang halaga.

About Isaias Chapter 16

Read Isaias Chapter 16 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Isaias
Chapter: 16
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Isaias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Isaias Chapter 16 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Isaias Chapter 16?

Isaias Chapter 16 is part of the Book of Isaias in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Isaias Chapter 16 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Isaias

  1. Isaias Chapter 1
  2. Isaias Chapter 9
  3. Isaias Chapter 24
  4. Isaias Chapter 7
  5. Isaias Chapter 5
  6. Isaias Chapter 2
  7. Isaias Chapter 19

Explore More from Lumang Tipan

  1. Job Chapter 41
  2. 1 Mga Hari Chapter 8
  3. Mga Hukom Chapter 2
  4. Jeremias Chapter 25
  5. Ezekiel Chapter 13
  6. 1 Cronica Chapter 19
  7. 1 Samuel Chapter 17

Related Chapters & Readings

  1. Isaias Chapter 1
  2. Job Chapter 14
  3. 2 Mga Hari Chapter 3
  4. Ezra Chapter 10
  5. Mateo Chapter 5
  6. 2 Cronica Chapter 6
  7. Exodo Chapter 28
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *