Isaias Chapter 61

For English

Read Isaias Chapter 61 Online

Read Isaias Chapter 61 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Isaias and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Isaias 61

Kabanata 61

1. Ang Espiritu ng Panginoong Dios ay sumasa akin; sapagka't pinahiran ako ng Panginoon upang ipangaral ang mabubuting balita sa mga maamo; kaniyang sinugo ako upang magpagaling ng mga bagbag na puso, upang magtanyag ng kalayaan sa mga bihag, at magbukas ng bilangguan sa nangabibilanggo;

2. Upang magtanyag ng kalugodlugod na taon ng Panginoon, at ng kaarawan ng panghihiganti ng ating Dios; upang aliwin yaong lahat na nagsisitangis;

3. Upang iukol sila na nagsisitangis sa Sion, upang bigyan sila ng putong na bulaklak na kahalili ng mga abo, ng langis ng kagalakan na kahalili ng pagtangis, ng damit ng kapurihan na kahalili ng kabigatan ng loob; upang sila'y matawag na mga punong kahoy ng katuwiran, na pananim ng Panginoon upang siya'y luwalhatiin.

4. At sila'y magtatayo ng mga dating sira, sila'y magbabangon ng mga dating giba, at kanilang huhusayin ang mga sirang bayan, ang mga nagiba sa maraming sali't saling lahi.

5. At ang mga taga ibang lupa ay magsisitayo at mangagpapastol ng inyong mga kawan, at ang mga taga ibang lupa ay magiging inyong mga mangaararo at mangungubasan.

6. Nguni't kayo'y tatawaging mga saserdote ng Panginoon; tatawagin kayo ng mga tao na mga tagapangasiwa ng ating Dios: kayo'y magsikain ng kayamanan ng mga bansa, at sa kanilang kaluwalhatian ay mangagmamapuri kayo.

7. Kahalili ng inyong kahihiyan ay nagtatamo kayo ng ibayong karangalan; at kahalili ng pagkalito ay magagalak sila sa kanilang bahagi: kaya't sa kanilang lupain ay mangagaari sila ng ibayong kasaganaan, walang hanggang kagalakan ang mapapasa kanila.

8. Sapagka't ako, ang Panginoon, ay umiibig ng kahatulan, aking ipinagtatanim ang pagnanakaw sangpu ng kasamaan; at aking ibibigay sa kanila ang kanilang kagantihan sa katotohanan, at ako'y makikipagtipan sa kanila ng walang hanggan.

9. At ang kanilang lahi makikilala sa gitna ng mga bansa, at ang kanilang lahi sa gitna ng mga bayan: lahat na nangakakakita sa kanila ay mangakakakilala sa kanila, na sila ang lahi na pinagpala ng Panginoon.

10. Ako'y magagalak na mainam sa Panginoon, ang aking kaluluwa ay magagalak sa aking Dios; sapagka't binihisan niya ako ng mga damit ng kaligtasan; kaniyang tinakpan ako ng balabal ng katuwiran, gaya ng kasintahang lalake na nagpuputong ng putong na bulaklak, at gaya ng kasintahang babae na naggagayak ng kaniyang mga hiyas.

11. Sapagka't kung paanong ang lupa'y nagsisibol ng pananim, at kung paanong ang halamanan ay nagsisibol ng mga bagay na natanim sa kaniya; gayon pasisibulin ng Panginoong Dios ang katuwiran at kapurihan sa harap ng lahat na bansa.

About Isaias Chapter 61

Read Isaias Chapter 61 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Isaias in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Isaias
Chapter: 61
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Isaias. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Isaias Chapter 61 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Isaias Chapter 61?

Isaias Chapter 61 is part of the Book of Isaias in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Isaias Chapter 61 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Isaias

  1. Isaias Chapter 1
  2. Isaias Chapter 24
  3. Isaias Chapter 2
  4. Isaias Chapter 10
  5. Isaias Chapter 8
  6. Isaias Chapter 7
  7. Isaias Chapter 5

Explore More from Lumang Tipan

  1. 2 Samuel Chapter 5
  2. Mga Awit Chapter 17
  3. Genesis Chapter 41
  4. Nehemias Chapter 13
  5. Mga Awit Chapter 93
  6. Isaias Chapter 21
  7. Oseas Chapter 1

Related Chapters & Readings

  1. Efeso Chapter 5
  2. Nehemias Chapter 4
  3. Mikas Chapter 4
  4. 2 Corinto Chapter 9
  5. Ezra Chapter 1
  6. Mateo Chapter 20
  7. Mga Gawa Chapter 11
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *