Exodo Chapter 22

For English

Read Exodo Chapter 22 Online

Read Exodo Chapter 22 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Exodo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Exodo 22

Kabanata 22

1. Kung ang isang lalake ay magnakaw ng isang baka, o ng isang tupa at patayin, o ipagbili: ay kaniyang pagbabayaran ng limang baka ang isang baka, at ng apat na tupa ang isang tupa.

2. Kung ang isang magnanakaw ay masumpungan, na naninira, at masaktan na ano pa't namatay ay hindi aariing mamamataytao ang pumatay.

3. Kung sikatan siya ng araw, ay aariin siyang mamamataytao; siya'y dapat magsauli ng kabayaran: kung siya'y wala ay ipagbibili siya dahil sa kaniyang ninakaw.

4. Kung ang ninakaw ay masumpungang buhay sa kaniyang kamay, maging baka, o asno, o tupa, ay magbabayad siya ng ibayo.

5. Kung ang sinoman ay magpastol sa isang bukid, o sa isang ubasan, at pawalan ang kaniyang hayop at pastulin sa bukid ng iba; sa pinakamainam sa kaniyang sariling parang, at sa pinakamainam sa kaniyang sariling ubasan, ay sasaulian niya.

6. Kung may magningas na apoy, at magtangay ng mga tinik, na ano pa't ang mga mandala, o ang mga uhay, o ang bukid ay masunog, ay tunay na magbabayad yaong nagpaningas ng apoy.

7. Kung ang sinoman ay magpatago sa kaniyang kapuwa ng salapi o pag-aari, at nakawin sa bahay ng taong yaon; kung masumpungan ang magnanakaw, ay magbabayad ng ibayo.

8. Kung hindi masumpungan ang magnanakaw, ay lalapit ang may-ari ng bahay sa Dios, upang maalaman kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa.

9. Sapagka't lahat ng bagay na pagsalangsang, maging sa baka, sa asno, sa tupa, sa damit, o sa anomang bagay na nawala, na may magsabi, Ito nga ay akin; ay dadalhin sa harap ng Dios ang usap ng dalawa; yaong parurusahan ng Dios ay magbabayad ng ibayo sa kaniyang kapuwa.

10. Kung ang sinoman ay maghabilin sa kaniyang kapuwa ng isang asno, o ng isang baka, o ng isang tupa, o ng anomang hayop; at mamatay, o masasaktan, o maagaw, na walang nakakakitang sinoman:

11. Ay pamamagitanan silang dalawa ng pagsumpa sa Panginoon kung hindi niya pinakialaman ang pag-aari ng kaniyang kapuwa; at tatanggapin ng may-ari, at siya'y hindi magsasauli.

12. Datapuwa't kung kaniyang ninakaw sa kaniya ay sasaulian niya ang may-ari niyaon.

13. Kung nalapa ay dadalhing pinakapatotoo, at hindi sasaulian ang nalapa.

14. At kung ang sinoman ay humiram ng anoman sa kaniyang kapuwa, at masaktan, o mamatay, na hindi kaharap ang may-ari, ay walang pagsala na siya'y magsasauli.

15. Kung ang may-ari niyaon ay kaharap, ay hindi niya sasaulian; kung isang bagay na pinauupahan ay ihuhulog sa kaniyang kaupahan.

16. At kung dayain ng isang lalake ang isang dalaga, na hindi pa niya nagiging asawa at kaniyang sipingan, ay tunay na kaniyang ipagbabayad ng bigay-kaya upang maging asawa niya.

17. Kung itangging mainam ng kaniyang ama na ibigay sa kaniya, ay magbabayad siya ng salapi, ayon sa bigay-kaya sa mga dalaga.

18. Huwag mong babatahing mabuhay ang isang babaing manggagaway.

19. Sinomang makiapid sa isang hayop ay papataying walang pagsala.

20. Yaong maghain sa anomang dios, maliban sa Panginoon lamang, ay lubos na papatayin.

21. At ang taga ibang lupa ay huwag mong aapihin, o pipighatiin man; sapagka't kayo'y naging taga ibang lupa sa lupain ng Egipto.

22. Huwag mong papagdadalamhatiin ang sinomang babaing bao, o ulila.

23. Kung iyong dalamhatiin sila sa anomang paraan, at sila'y dumaing sa akin, ay walang pagsala, na aking didinggin ang kanilang daing;

24. At ang aking pagiinit ay magaalab, at aking papatayin kayo ng tabak; at ang inyong mga asawa ay magiging mga bao, at ang inyong mga anak ay mga ulila.

25. Kung magpautang ka ng salapi sa kanino man sa aking bayan na kasama mo na dukha, huwag kang magpapakamanunubo sa kaniya ni hihingan mo man siya ng tubo.

26. Kung iyong tanggapin sa anoman ang damit ng iyong kapuwa na pinakasangla, ay iyong isasauli sa kaniya bago lumubog ang araw;

27. Sapagka't iyan ang kaniya lamang pangbihis, siyang kaniyang pangdamit sa kaniyang balat: ano ngang kaniyang ipangtutulog? at mangyayari, na pagka siya'y dumaing sa akin, ay aking didinggin; sapagka't ako'y mapagbiyaya.

28. Huwag mong lalapastanganin ang Dios, ni susumpain man ang pinuno sa iyong bayan.

29. Huwag kang magmamakupad ng paghahandog ng iyong mga ani, at ng tulo ng iyong mga pigaan. Ang panganay sa iyong mga anak na lalake ay ibibigay mo sa akin.

30. Gayon din ang gagawin mo sa iyong mga baka, at sa iyong mga tupa: pitong araw na mapapa sa kaniyang ina; sa ikawalong araw ay ibibigay mo sa akin.

31. At kayo'y magpapakabanal na tao sa akin: na ano pa't huwag kayong kakain ng anomang laman, na nalapa ng ganid sa parang; inyong ihahagis sa mga asno.

About Exodo Chapter 22

Read Exodo Chapter 22 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Exodo
Chapter: 22
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Exodo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Exodo Chapter 22 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Exodo Chapter 22?

Exodo Chapter 22 is part of the Book of Exodo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Exodo Chapter 22 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Exodo

  1. Exodo Chapter 3
  2. Exodo Chapter 2
  3. Exodo Chapter 4
  4. Exodo Chapter 12
  5. Exodo Chapter 9
  6. Exodo Chapter 13
  7. Exodo Chapter 7

Explore More from Lumang Tipan

  1. Mga Awit Chapter 41
  2. Amos Chapter 7
  3. 2 Mga Hari Chapter 21
  4. Ruth Chapter 4
  5. Job Chapter 41
  6. Jeremias Chapter 21
  7. Oseas Chapter 6

Related Chapters & Readings

  1. Deuteronomio Chapter 3
  2. Genesis Chapter 44
  3. Genesis Chapter 31
  4. Hebreo Chapter 10
  5. Ester Chapter 4
  6. Genesis Chapter 17
  7. Lucas Chapter 15
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *