Exodo Chapter 1

For English

Read Exodo Chapter 1 Online

Read Exodo Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Exodo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Exodo 1

Kabanata 1

1. Ito nga ang mga pangalan ng mga anak ni Israel, na nagsipasok sa Egipto: (bawa't lalake at ang kani-kaniyang sangbahayan ay sumama kay Jacob.)

2. Si Ruben, si Simeon, si Levi, at si Juda;

3. Si Issachar, si Zabulon at si Benjamin;

4. Si Dan at si Nephtali, si Gad at si Aser.

5. At lahat ng tao na lumabas sa balakang ni Jacob ay pitong pung tao: at si Jose ay nasa Egipto na.

6. At namatay si Jose, at ang lahat niyang kapatid at ang buong lahing yaon.

7. At ang mga anak ni Israel ay lumago, at kumapal na maigi at dumami, at naging totoong makapangyarihan; at ang lupain ay napuno nila.

8. May bumangon ngang isang bagong hari sa Egipto, na hindi kilala si Jose.

9. At sinabi niya sa kaniyang bayan, Narito, ang bayan ng mga anak ni Israel ay higit at lalong malakas kay sa atin:

10. Hayo't tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.

11. Kaya't nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag, upang dalamhatiin sila sa atang sa kanila. At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga bayan na kamaligan, na dili iba't ang Phithom at Raamses.

12. Datapuwa't habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal. At kinapootan nila ang mga anak ni Israel.

13. At pinapaglingkod na may kabagsikan ng mga Egipcio ang mga anak ni Israel:

14. At kanilang pinapamuhay sila ng masaklap sa pamamagitan ng mahirap na paglilingkod, sa argamasa at sa laryo, at sa lahat ng sarisaring paglilingkod sa bukid, at sa lahat ng paglilingkod nila na ipinapaglingkod sa kanila, na may kabagsikan.

15. At ang hari sa Egipto ay nagsalita sa mga hilot na Hebrea, na ang pangalan ng isa ay Siphra, at ang pangalan ng isa ay Phua:

16. At kaniyang sinabi, Paghilot ninyo sa mga babaing Hebrea, at pagtingin ninyo sa kanila sa dakong panganganakan; kung lalake, ay papatayin nga ninyo: datapuwa't kung babae ay inyong bubuhayin.

17. Datapuwa't ang mga hilot ay nangatakot sa Dios at hindi ginawa ang gaya ng iniutos sa kanila ng hari sa Egipto, kundi iniligtas na buhay ang mga batang lalake.

18. At ipinatawag ng hari sa Egipto ang mga hilot, at sinabi sa kanila, Bakit ninyo ginawa ang bagay na ito, at inyong iniligtas na buhay ang mga batang lalake?

19. At sinabi ng mga hilot kay Faraon, Sapagka't ang mga babaing Hebrea ay hindi gaya ng mga babaing Egipcia; sapagka't sila'y maliliksi, at nakapanganak na, bago dumating ang hilot sa kanila.

20. At ang Dios ay gumawa ng mabuti sa mga hilot: at ang bayan ay kumapal, at naging totoong makapangyarihan.

21. At nangyari, na sapagka't ang mga hilot ay natakot sa Dios, ay iginawa niya sila ng mga sangbahayan.

22. At iniutos ni Faraon sa kaniyang buong bayan, na sinasabi, Itatapon ninyo sa ilog bawa't lalake na ipanganak, at bawa't babae ay ililigtas ninyong buhay.

About Exodo Chapter 1

Read Exodo Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Exodo in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Exodo
Chapter: 1
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Exodo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Exodo Chapter 1 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Exodo Chapter 1?

Exodo Chapter 1 is part of the Book of Exodo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Exodo Chapter 1 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Exodo

  1. Exodo Chapter 3
  2. Exodo Chapter 2
  3. Exodo Chapter 4
  4. Exodo Chapter 12
  5. Exodo Chapter 9
  6. Exodo Chapter 13
  7. Exodo Chapter 7

Explore More from Lumang Tipan

  1. Mga Awit Chapter 132
  2. 1 Samuel Chapter 30
  3. Mga Awit Chapter 118
  4. 1 Samuel Chapter 8
  5. Mga Kawikaan Chapter 21
  6. 1 Samuel Chapter 16
  7. Mangangaral Chapter 7

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 89
  2. Mga Kawikaan Chapter 21
  3. Jeremias Chapter 46
  4. 2 Cronica Chapter 16
  5. Mga Gawa Chapter 17
  6. Lucas Chapter 8
  7. Ezekiel Chapter 18
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *