Read Nahum Chapter 2 Online
Read Nahum Chapter 2 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Nahum in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Nahum and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Nahum 2
Kabanata 2
1. Siyang bumabasag ay sumampa sa harapan mo: ingatan mo ang katibayan, bantayan mo ang daan, palakasin mo ang iyong mga balakang, patibayin mo ang iyong kapangyarihan na mainam,
2. Sapagka't ibinabalik ng Panginoon ang karilagan ng Jacob na gaya ng karilagan ng Israel: sapagka't ang mga tagatuyo ay nagsituyo sa kanila, at sinira ang mga sanga ng kanilang mga puno ng ubas.
3. Ang kalasag ng kaniyang mga makapangyarihang lalake ay pumula, ang matapang na lalake ay nakapanamit ng matingkad na pula: ang mga karo ay nagsisikislap ng patalim sa kaarawan ng kaniyang paghahanda, at ang mga sibat na abeto ay nagsisigalaw ng kakilakilabot.
4. Ang mga karo ay nagsisihagibis sa mga lansangan; nangagkakabanggang isa't isa sa mga daan: ang anyo ng mga yaon ay gaya ng mga sulo; nagsisitakbong parang mga kidlat.
5. Naaalaala niya ang kaniyang mga bayani: sila'y nangatitisod sa kanilang paglakad; sila'y nangagmamadali sa kuta niyaon, at ang panakip ay handa.
6. Ang mga pintuan ng mga ilog ay bukas, at ang palacio ay nalansag.
7. At si Huzab ay nahubdan; siya'y dinala; at ang kaniyang mga alilang babae ay nananaghoy na parang huni ng mga kalapati, na nagsisidagok sa kanilang mga dibdib.
8. Datapuwa't ang Ninive mula nang una ay naging parang lawa ng tubig: gayon ma'y nagsisitakas. Tigil kayo, tigil kayo, isinisigaw nila; nguni't walang lumilingon.
9. Kunin ninyo ang samsam na pilak, kunin ninyo ang samsam na ginto; sapagka't walang katapusang kayamanan, na kaluwalhatian sa lahat ng maligayang kasangkapan.
10. Siya'y tuyo, at walang laman, at wasak; at ang puso ay natutunaw, at ang mga tuhod ay nagkakaumpugan, at ang pagdaramdam ay nasa lahat ng mga balakang, at ang mga mukha nilang lahat ay nangamumutla.
11. Saan nandoon ang yungib ng mga leon, at ang dakong sabsaban ng mga batang leon, na nililibutan ng leon at ng babaeng leon, ng batang leon, at walang tumatakot sa kanila?
12. Ang leon ay kumakatay ng sagana para sa kaniyang mga anak, at lumalapa para sa kaniyang mga babaeng leon, at pinupuno ng huli ang kaniyang mga cueba, at ng tangay ang kaniyang mga yungib.
13. Narito, ako'y laban sa iyo, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, at aking susunugin ang kaniyang mga karo sa usok, at lalamunin ng tabak ang iyong mga batang leon; at aking ihihiwalay ang iyong huli sa lupa, at ang tinig ng iyong mga sugo ay hindi na maririnig.
About Nahum Chapter 2
Read Nahum Chapter 2 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Nahum in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Nahum
Chapter: 2
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Nahum. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Nahum Chapter 2 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Nahum Chapter 2?
Nahum Chapter 2 is part of the Book of Nahum in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Nahum Chapter 2 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Mga Awit Chapter 1
- Daniel Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 6
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 31
Explore More from Nahum
- Nahum Chapter 3
- Nahum Chapter 2
- Nahum Chapter 3
- Nahum Chapter 1
- Nahum Chapter 2
- Nahum Chapter 3
- Nahúm Chapter 3