Mga Hukom Chapter 17

For English

Read Mga Hukom Chapter 17 Online

Read Mga Hukom Chapter 17 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Hukom in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Hukom and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Hukom 17

Kabanata 17

1. At may isang lalake sa lupaing maburol ng Ephraim, na ang pangala'y Michas.

2. At sinabi niya sa kaniyang ina, Ang isang libo at isang daang putol na pilak na kinuha sa iyo, na siyang ikinapagtungayaw mo, at sinalita mo rin sa aking mga pakinig, narito, ang pilak ay nasa akin; aking kinuha. At sinabi ng kaniyang ina, Pagpalain nawa ng Panginoon ang aking anak.

3. At isinauli niya ang isang libo at isang daang putol na pilak sa kaniyang ina, at sinabi ng kaniyang ina, Aking tunay na itinalaga ng aking kamay ang pilak na ito sa Panginoon, na ukol sa aking anak, upang igawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: kaya ngayo'y isasauli ko sa iyo.

4. At nang kaniyang isauli ang salapi sa kaniyang ina, ay kinuha ng kaniyang ina ang dalawang daang putol na pilak na ibinigay sa mga mangbububo, na siyang gumawa ng isang larawang inanyuan at ng isang larawang binubo: at nasa bahay ni Michas.

5. At ang lalaking si Michas ay nagkaroon ng isang bahay ng mga dios, at siya'y gumawa ng isang epod at mga terap at itinalaga ang isa ng kaniyang mga anak, na maging kaniyang saserdote.

6. Nang mga araw na yaon ay walang hari sa Israel: bawa't tao'y gumagawa ng minamatuwid niya sa kaniyang sariling mga mata.

7. At may isa namang may kabataan sa Bethlehem-juda, sa angkan ni Juda; na isang Levita; at siya'y nakikipamayan doon.

8. At ang lalake ay umalis sa bayan, sa Bethlehem-juda, upang makipamayan kung saan siya makakasumpong ng matutuluyan: at siya'y naparoon sa lupaing maburol ng Ephraim, sa bahay ni Michas habang siya'y naglalakbay.

9. At sinabi ni Michas sa kaniya, Saan ka nanggaling? At sinabi niya sa kaniya, Ako'y Levita sa Bethlehem-juda, at ako'y yayaong makikipamayan kung saan ako makasumpong ng matutuluyan.

10. At sinabi ni Michas sa kaniya, Tumahan ka sa akin, at ikaw ay maging sa akin ay isang ama at isang saserdote, at bibigyan kita ng sangpung putol na pilak isang taon, at ng bihisan, at ng iyong pagkain. Sa gayo'y ang Levita ay pumasok.

11. At ang Levita ay nakipagkasundong tumahang kasama ng lalake: at ang binata sa kaniya'y parang isa sa kaniyang mga anak.

12. At itinalaga ni Michas ang Levita, at ang binata ay naging kaniyang saserdote, at nasa bahay ni Michas.

13. Nang magkagayo'y sinabi ni Michas, Ngayo'y talastas ko, na gagawan ako ng mabuti ng Panginoon, yamang ako'y may isang Levita na pinakasaserdote ko.

About Mga Hukom Chapter 17

Read Mga Hukom Chapter 17 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Hukom in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Hukom
Chapter: 17
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Hukom. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Hukom Chapter 17 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Hukom Chapter 17?

Mga Hukom Chapter 17 is part of the Book of Mga Hukom in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Hukom Chapter 17 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 1
  2. Mga Kawikaan Chapter 3
  3. Mga Awit Chapter 1
  4. Daniel Chapter 1
  5. Mga Kawikaan Chapter 6
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 11

Explore More from mga-hukom

  1. Mga Hukom Chapter 8
  2. Mga Hukom Chapter 20
  3. Mga Hukom Chapter 5
  4. Mga Hukom Chapter 12
  5. Mga Hukom Chapter 3
  6. Mga Hukom Chapter 18
  7. Mga Hukom Chapter 1

Related Chapters & Readings

  1. Genesis Chapter 49
  2. Ezekiel Chapter 22
  3. 1 Samuel Chapter 16
  4. Ezekiel Chapter 15
  5. Job Chapter 29
  6. Job Chapter 39
  7. Mga Awit Chapter 2
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *