Read Mga Hukom Chapter 12 Online
Read Mga Hukom Chapter 12 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Hukom in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Hukom and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Mga Hukom 12
Kabanata 12
1. At ang mga lalake ng Ephraim ay nagpipisan at nagdaan sa dakong hilagaan: at sinabi nila kay Jephte, Bakit ka nagpatuloy na lumaban sa mga anak ni Ammon, at hindi mo kami tinawag upang yumaong kasama mo? susunugin ka namin pati ng iyong bahay.
2. At sinabi ni Jephte sa kanila, Ako at ang aking bayan ay totoong nakipaglaban sa mga anak ni Ammon; at nang tawagan ko kayo ay hindi ninyo ako iniligtas sa kanilang kamay.
3. At nang makita ko na ako'y hindi ninyo iniligtas ay aking inilagak ang aking buhay sa aking kamay, at ako'y nagdaan laban sa mga anak ni Ammon, at sila'y ibinigay ng Panginoon sa aking kamay: bakit nga inahon ninyo ako sa araw na ito, upang makipaglaban sa akin?
4. Nang magkagayo'y pinisan ni Jephte ang mga lalake sa Galaad, at nakipaglaban sa Ephraim; at sinaktan ng mga lalake ng Galaad ang Ephraim, sapagka't kanilang sinabi, Kayo'y mga tanan sa Ephraim, kayong mga Galaadita, sa gitna ng Ephraim, at sa gitna ng Manases.
5. At sinakop ng mga Galaadita ang mga tawiran sa Jordan sa dako ng mga Ephraimita. At nangyari, na pagkasinabi ng mga tanan sa Ephraim na, Paraanin mo ako, ay sinasabi ng mga lalake ng Galaad sa kaniya, Ikaw ba'y Ephraimita? Kung kaniyang sabihin, Hindi;
6. Ay sinabi nga nila sa kaniya, Sabihin mong Shiboleth; at sinasabi niya, Shiboleth; sapagka't hindi matumpakang sabihing matuwid; kung magkagayo'y kanilang hinuhuli, at pinapatay sa mga tawiran ng Jordan: at nahulog nang panahong yaon sa Ephraim ay apat na pu't dalawang libo.
7. At naghukom si Jephte sa Israel na anim na taon. Nang magkagayo'y namatay si Jephte na Galaadita, at inilibing sa isang bayan ng Galaad.
8. At pagkamatay niya, si Ibzan na taga Bethlehem ang naghukom sa Israel.
9. At siya'y nagkaanak ng tatlong pung lalake, at ang tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinadala sa ibang bayan, at tatlong pung anak na babae ay kaniyang ipinasok mula sa ibang bayan para sa kaniyang mga anak na lalake. At naghukom siya sa Israel na pitong taon.
10. At si Ibzan ay namatay, at inilibing sa Bethlehem.
11. At pagkamatay niya, si Elon na Zabulonita ang naghukom sa Israel; at naghukom siya sa Israel na sangpung taon.
12. At si Elon na Zabulonita ay namatay, at inilibing sa Ajalon sa lupain ng Zabulon.
13. At pagkamatay niya, si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ang naghukom sa Israel.
14. At siya'y nagkaroon ng apat na pung anak at tatlong pung apo na sumasakay sa pitong pung asno: at siya'y naghukom sa Israel na walong taon.
15. At si Abdon na anak ni Hillel na Piratonita ay namatay, at inilibing sa Piraton sa lupain ng Ephraim, sa lupaing maburol ng mga Amalecita.
About Mga Hukom Chapter 12
Read Mga Hukom Chapter 12 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Hukom in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Mga Hukom
Chapter: 12
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Hukom. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Mga Hukom Chapter 12 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Mga Hukom Chapter 12?
Mga Hukom Chapter 12 is part of the Book of Mga Hukom in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Mga Hukom Chapter 12 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Mga Awit Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Kawikaan Chapter 16
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 28
- Mga Kawikaan Chapter 22
Explore More from mga-hukom
- Mga Hukom Chapter 7
- Mga Hukom Chapter 11
- Mga Hukom Chapter 1
- Mga Hukom Chapter 2
- Mga Hukom Chapter 21
- Mga Hukom Chapter 15
- Mga Hukom Chapter 3