Ruth Chapter 3

For English

Read Ruth Chapter 3 Online

Read Ruth Chapter 3 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Ruth in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Ruth and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Ruth 3

Kabanata 3

1. At sinabi sa kaniya ni Noemi na kaniyang biyanan, Anak ko, hindi ba kita ihahanap ng kapahingahan, na ikabubuti mo?

2. At ngayo'y wala ba rito si Booz na ating kamaganak, na ang kaniyang mga alila ay siya mong kinasama? Narito, kaniyang pahahanginan ang sebada ngayong gabi sa giikan.

3. Maligo ka nga, at magpahid ka ng langis, at magbihis ka at bumaba ka sa giikan: nguni't huwag kang pakilala sa lalake, hanggang siya'y makakain at makainom.

4. At mangyayari, paghiga niya, na iyong tatandaan ang dakong kaniyang hihigaan, at ikaw ay papasok, at iyong alisan ng takip ang kaniyang mga paa, at mahiga ka; at sasabihin niya sa iyo kung ano ang iyong gagawin.

5. At sinabi niya sa kaniya, Lahat ng iyong sinasabi sa akin ay aking gagawin.

6. At siya'y bumaba sa giikan, at ginawa niya ang ayon sa buong iniutos sa kaniya ng kaniyang biyanan.

7. At nang si Booz ay makakain at makainom, at ang kaniyang puso'y maligayahan, siya'y yumaong nahiga sa dulo ng bunton ng trigo; at siya'y naparoong marahan, at inalisan ng takip ang kaniyang mga paa, at siya'y nahiga.

8. At nangyari, sa hating gabi, na ang lalake ay natakot at pumihit: at, narito, isang babae ay nakahiga sa kaniyang paanan.

9. At sinabi niya, Sino ka? At siya'y sumagot, Ako'y si Ruth, na iyong lingkod: iladlad mo nga ang iyong kumot sa iyong lingkod; sapagka't ikaw ay malapit na kamaganak.

10. At kaniyang sinabi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon, anak ko: ikaw ay nagpakita ng higit na kagandahang loob sa huli kay sa ng una, sa hindi mo pagsunod sa mga bagong tao maging sa dukha o sa mayaman.

11. At ngayon, anak ko, huwag kang matakot; gagawin ko sa iyo ang lahat na iyong sinasabi, sapagka't buong bayan ng aking bayan ay nakakaalam na ikaw ay isang babaing may bait.

12. At tunay nga na ako'y kamaganak na malapit; gayon man ay may kamaganak na lalong malapit kay sa akin.

13. Maghintay ka ngayong gabi, at mangyayari sa kinaumagahan, na kung kaniyang tutuparin sa iyo ang bahagi ng pagkakamaganak, ay mabuti; gawin niya ang bahagi ng pagkakamaganak: nguni't kundi niya gagawin ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, ay gagawin ko nga ang bahagi ng pagkakamaganak sa iyo, kung paano ang Panginoon ay nabubuhay: mahiga ka nga hanggang kinaumagahan.

14. At siya'y nahiga sa kaniyang paanan hanggang kinaumagahan: at siya'y bumangong maaga bago magkakilala ang isa't isa. Sapagka't kaniyang sinabi, Huwag maalaman na ang babae ay naparoon sa giikan.

15. At kaniyang sinabi, Dalhin mo rito ang balabal na nasa ibabaw mo at hawakan; at hinawakan niya; at siya'y tumakal ng anim na takal na sebada, at isinunong sa kaniya; at siya'y pumasok sa bayan.

16. At nang siya'y pumaroon sa kaniyang biyanan, ay sinabi niya, Ano nga, anak ko? At isinaysay niya sa kaniya ang lahat na ginawa sa kaniya ng lalake.

17. At sinabi niya, Ang anim na takal na sebadang ito ay ibinigay niya sa akin; sapagka't kaniyang sinabi, Huwag kang pumaroong walang dala sa iyong biyanan.

18. Nang magkagayo'y sinabi niya, Maupo kang tahimik, anak ko, hanggang sa iyong maalaman kung paanong kararatnan ng bagay: sapagka't ang lalaking yaon ay hindi magpapahinga, hanggang sa kaniyang matapos ang bagay sa araw na ito.

About Ruth Chapter 3

Read Ruth Chapter 3 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Ruth in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Ruth
Chapter: 3
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Ruth. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Ruth Chapter 3 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Ruth Chapter 3?

Ruth Chapter 3 is part of the Book of Ruth in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Ruth Chapter 3 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Lumang Tipan

  1. Mga Kawikaan Chapter 3
  2. Mga Kawikaan Chapter 1
  3. Daniel Chapter 1
  4. Mga Kawikaan Chapter 6
  5. Mga Awit Chapter 1
  6. Mga Kawikaan Chapter 2
  7. Mga Kawikaan Chapter 24

Explore More from ruth

  1. Ruth Chapter 2
  2. Ruth Chapter 4
  3. Ruth Chapter 3
  4. Ruth Chapter 4
  5. Ruth Chapter 1
  6. Ruth Chapter 4
  7. Ruth Chapter 3

Related Chapters & Readings

  1. Mateo Chapter 13
  2. 2 Samuel Chapter 18
  3. Mga Awit Chapter 54
  4. Mga Awit Chapter 118
  5. 2 Mga Hari Chapter 14
  6. Mga Hukom Chapter 19
  7. Josue Chapter 19
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *