Mga Gawa Chapter 6

For English

Read Mga Gawa Chapter 6 Online

Read Mga Gawa Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Gawa in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Gawa and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Mga Gawa 6

Kabanata 6

1. Nang mga araw ngang ito, nang dumadami ang bilang ng mga alagad, ay nagkaroon ng bulongbulungan ang mga Greco-Judio laban sa mga Hebreo, sapagka't ang kanilang mga babaing bao ay pinababayaan sa pamamahagi sa araw-araw.

2. At tinawag ng labingdalawa ang karamihang mga alagad, at sinabi, Hindi marapat na aming pabayaan ang salita ng Dios, at mangaglingkod sa mga dulang.

3. Magsihanap nga kayo, mga kapatid, sa inyo, ng pitong lalake na may mabuting katunayan, puspos ng Espiritu at ng karunungan, na ating mailalagay sa gawaing ito.

4. Datapuwa't magsisipanatili kaming matibay sa pananalangin, at sa ministerio ng salita.

5. At minagaling ng buong karamihan ang pananalitang ito: at kanilang inihalal si Esteban, taong puspos ng pananampalataya at ng Espiritu Santo, at si Felipe, at si Procoro, at si Nicanor, at si Timon, at si Parmenas, at si Nicolas na taga Antioquia na naging Judio;

6. Na siyang iniharap nila sa mga apostol: at nang sila'y mangakapanalangin na, ay ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga yaon.

7. At lumago ang salita ng Dios; at dumaming lubha sa Jerusalem ang bilang ng mga alagad; at nagsitalima sa pananampalataya ang lubhang maraming saserdote.

8. At si Esteban, na puspos ng biyaya at ng kapangyarihan, ay gumawa ng mga dakilang kababalaghan at mga tanda sa mga tao.

9. Datapuwa't nagsitindig ang ilan sa nangasa sinagoga, na tinatawag na sinagoga ng mga Libertino, at ng mga Cireneo, at ng mga Alejandrino, at ng mga taga Cilicia, at taga Asia, na nangakipagtalo kay Esteban.

10. At hindi sila makalaban sa karunungan at sa Espiritu na kaniyang ipinangungusap.

11. Nang magkagayo'y nagsisuhol sila sa mga lalake, na nangagsabi, Narinig naming siya'y nagsalita ng mga salitang kapusungan laban kay Moises at sa Dios.

12. At kanilang ginulo ang bayan, at ang mga matanda, at ang mga eskriba, at kanilang dinaluhong, at sinunggaban si Esteban, at dinala siya sa Sanedrin,

13. At nangagharap ng mga saksing sinungaling, na nangagsabi, Ang taong ito'y hindi naglilikat ng pagsasalita ng mga salitang laban dito sa dakong banal, at sa kautusan:

14. Sapagka't narinig naming kaniyang sinabi, na itong si Jesus na taga Nazaret ay iwawasak ang dakong ito, at babaguhin ang mga kaugaliang ibinigay sa atin ni Moises.

15. At ang lahat ng nangakaupo sa Sanedrin, na nagsisititig sa kaniya, ay kanilang nakita ang kaniyang mukha na katulad ng mukha ng isang anghel.

About Mga Gawa Chapter 6

Read Mga Gawa Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Gawa in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Mga Gawa
Chapter: 6
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Gawa. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Mga Gawa Chapter 6 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Mga Gawa Chapter 6?

Mga Gawa Chapter 6 is part of the Book of Mga Gawa in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Mga Gawa Chapter 6 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Bagong Tipan

  1. Pahayag Chapter 15
  2. Pahayag Chapter 13
  3. Pahayag Chapter 12
  4. Pahayag Chapter 3
  5. Pahayag Chapter 2
  6. Pahayag Chapter 16
  7. Pahayag Chapter 7

Explore More from mga-gawa

  1. Mga Gawa Chapter 27
  2. Mga Gawa Chapter 10
  3. Mga Gawa Chapter 28
  4. Mga Gawa Chapter 5
  5. Mga Gawa Chapter 15
  6. Mga Gawa Chapter 20
  7. Mga Gawa Chapter 3

Related Chapters & Readings

  1. Genesis Chapter 41
  2. Job Chapter 29
  3. Levitico Chapter 11
  4. Mga Awit Chapter 119
  5. Juan Chapter 2
  6. Exodo Chapter 27
  7. Mga Awit Chapter 129
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *