Galacia Chapter 5

For English

Read Galacia Chapter 5 Online

Read Galacia Chapter 5 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Galacia in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Galacia and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Galacia 5

Kabanata 5

1. Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin.

2. Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.

3. Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.

4. Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.

5. Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.

6. Sapagka't kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.

7. Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?

8. Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo.

9. Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak.

10. Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.

11. Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus.

12. Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli.

13. Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.

14. Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.

15. Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.

16. Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.

17. Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.

18. Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.

19. At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,

20. Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,

21. Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.

22. Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,

23. Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.

24. At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.

25. Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.

26. Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

About Galacia Chapter 5

Read Galacia Chapter 5 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Galacia in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Galacia
Chapter: 5
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Galacia. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Galacia Chapter 5 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Galacia Chapter 5?

Galacia Chapter 5 is part of the Book of Galacia in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Galacia Chapter 5 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Bagong Tipan

  1. Pahayag Chapter 15
  2. Pahayag Chapter 2
  3. Pahayag Chapter 13
  4. Pahayag Chapter 6
  5. Pahayag Chapter 3
  6. Pahayag Chapter 16
  7. Pahayag Chapter 12

Explore More from galacia

  1. Galacia Chapter 4
  2. Galacia Chapter 4
  3. Galacia Chapter 2
  4. Galacia Chapter 5
  5. Galacia Chapter 1
  6. Galacia Chapter 2
  7. Galacia Chapter 3

Related Chapters & Readings

  1. 2 Samuel Chapter 7
  2. Exodo Chapter 11
  3. Hebreo Chapter 4
  4. Job Chapter 21
  5. Mga Gawa Chapter 28
  6. 2 Corinto Chapter 1
  7. Lucas Chapter 7
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *