Read Mga Bilang Chapter 36 Online
Read Mga Bilang Chapter 36 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Bilang in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Mga Bilang and the Holy Bible online.
Choose a Chapter
Mga Bilang 36
Kabanata 36
1. At ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Galaad, na anak ni Machir, na anak ni Manases, sa mga angkan ng mga anak ni Jose, ay nagsilapit, at nagsalita sa harap ni Moises at sa harap ng mga prinsipe, na mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng mga anak ni Israel:
2. At sinabi nila, Ang Panginoon ay nagutos sa aking panginoon na ibigay sa sapalaran ang lupain na pinakamana sa mga anak ni Israel: at inutusan din naman ng Panginoon ang aking panginoon na ibigay ang mana ni Salphaad na aming kapatid sa kaniyang mga anak na babae.
3. At kung sila'y magasawa sa kaninoman sa mga anak ng ibang mga lipi ng mga anak ni Israel ay aalisin nga ang mana nila na mula sa mana ng aming mga magulang, at sa idaragdag sa mana ng lipi na kinauukulan nila: sa gayo'y aalisin sa manang naukol sa amin.
4. At pagjujubileo ng mga anak ni Israel, ay idaragdag nga ang kanilang mana sa mana ng lipi na kanilang kinaukulan: sa gayo'y ang kanilang mana ay aalisin sa mana ng lipi ng aming mga magulang.
5. At iniutos ni Moises sa mga anak ni Israel ayon sa salita ng Panginoon na sinasabi, Ang lipi ng mga anak ni Jose ay nagsasalita ng matuwid.
6. Ito ang bagay na iniutos ng Panginoon tungkol sa mga anak na babae ni Salphaad, na sinasabi, Magasawa sila sa kaninomang kanilang magalingin; nguni't sa angkan ng lipi lamang ng kanilang ama magasawa sila.
7. Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana ng mga anak ni Israel sa iba't ibang lipi: sapagka't ang mga anak ni Israel ay masasanib bawa't isa sa mana ng lipi ng kaniyang mga magulang.
8. At bawa't anak na babae na nagaari sa anomang lipi ng mga anak ni Israel ay magasawa sa isa ng angkan ng lipi ng kaniyang ama, upang ang mga anak ni Israel ay magmana bawa't isa ng mana ng kaniyang mga magulang.
9. Sa gayon ay hindi magkakalipatlipat ang mana sa ibang lipi; sapagka't ang mga lipi ng mga anak ni Israel ay masasanib bawa't isa sa kaniyang sariling mana.
10. Kung paanong iniutos ng Panginoon kay Moises, ay gayong ginawa ng mga anak na babae ni Salphaad:
11. Sapagka't si Maala, si Tirsa, si Holga, at si Milca, at si Noa, na mga anak na babae ni Salphaad ay nagsipagasawa sa mga anak ng mga kapatid ng kanilang ama.
12. Sila'y nag-asawa sa mga angkan ng mga anak ni Manases na anak ni Jose; at ang kanilang mana ay naiwan sa lipi ng angkan ng ama nila.
13. Ito ang mga utos at ang mga kahatulan, na iniutos ng Panginoon sa pamamagitan ni Moises sa mga anak ni Israel sa mga kapatagan ng Moab sa tabi ng Jordan sa Jerico.
About Mga Bilang Chapter 36
Read Mga Bilang Chapter 36 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Mga Bilang in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.
Book Information
Book: Mga Bilang
Chapter: 36
Testament: Old Testament
How to Read this Chapter
Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Mga Bilang. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.
More Resources
Continue Reading the Bible
Continue reading Mga Bilang Chapter 36 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.
Frequently Asked Questions
What is Mga Bilang Chapter 36?
Mga Bilang Chapter 36 is part of the Book of Mga Bilang in the Holy Bible.
Can I read this chapter online?
Yes. You can read the complete Mga Bilang Chapter 36 online for free with easy chapter navigation.
More Chapters from Lumang Tipan
- Mga Kawikaan Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 3
- Mga Awit Chapter 1
- Daniel Chapter 1
- Mga Kawikaan Chapter 6
- Mga Kawikaan Chapter 2
- Mga Kawikaan Chapter 11
Explore More from Mga Bilang
- Mga Bilang Chapter 9
- Mga Bilang Chapter 4
- Mga Bilang Chapter 13
- Mga Bilang Chapter 22
- Mga Bilang Chapter 23
- Mga Bilang Chapter 18
- Mga Bilang Chapter 35