Levitico Chapter 24

For English

Read Levitico Chapter 24 Online

Read Levitico Chapter 24 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Levitico in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Levitico and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Levitico 24

Kabanata 24

1. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

2. Iutos mo sa mga anak ni Israel na dalhan ka ng langis na dalisay na oliva, na hinalo para sa ilawan, upang laging papagliyabin ang ilawan.

3. Sa labas ng tabing ng kaban ng patotoo sa tabernakulo ng kapisanan, ay aayusing palagi ni Aaron, mula sa hapon hanggang sa umaga sa harap ng Panginoon: siyang palatuntunan magpakailan man sa buong panahon ng inyong lahi.

4. Kanyang aayusin lagi ang mga ilawan sa ibabaw ng kandelerong dalisay sa harap ng Panginoon.

5. At kukuha ka ng mainam na harina, at magluluto ka niyan ng labing dalawang munting tinapay: tigdadalawang ikasampung bahagi ng isang epa ang bawa't munting tinapay.

6. At ilalagay mong dalawang hanay, anim sa bawa't hanay, sa ibabaw ng dulang na dalisay sa harap ng Panginoon.

7. At maglalagay ka sa bawa't hanay ng dalisay na kamangyan, upang ito'y maging paalaala na tinapay, na handog nga sa Panginoon na pinaraan sa apoy.

8. Sa bawa't sabbath ay aayusing palagi ang tinapay sa harap ng Panginoon; sa ganang mga anak ni Israel, na pinakatipang walang hanggan.

9. At magiging kay Aaron at sa kaniyang mga anak; at kanilang kakanin sa dakong banal: sapagka't kabanalbanalang bagay sa kaniya sa mga handog sa Panginoon na pinaraan sa apoy sa pamamagitan ng palatuntunang walang hanggan.

10. At ang anak na lalake ng isang babaing, Israelita na ang ama'y Egipcio, ay napasa gitna ng mga anak ni Israel: at nagbabag sa gitna ng kampamento ang anak ng babaing Israelita at ang isang lalake ni Israel.

11. At nilapastangan ng anak ng babaing Israelita ang Pangalan, at nilait: at siya'y kanilang dinala kay Moises, at ang pangalan ng kaniyang ina ay Selomith, na anak ni Dribi sa lipi ni Dan.

12. At siya'y kanilang inilagay sa bilangguan hanggang sa ang hatol ay ipahayag sa kanila ng bibig ng Panginoon.

13. At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,

14. Dalhin mo ang mapaglait sa labas ng kampamento; at ang lahat ng nakarinig sa kaniya ay magpatong ng kanilang mga kamay sa kaniyang ulo, at pagbatuhanan siya ng buong kapisanan.

15. At sasalitain mo sa mga anak ni Israel, na iyong sasabihin, Sinomang mapanungayaw sa kaniyang Dios ay magpapasan ng kaniyang sala.

16. At ang lumapastangan sa pangalan ng Panginoon ay papataying walang pagsala; walang pagsalang pagbabatuhanan siya ng buong kapisanan: maging taga ibang lupa o maging tubo sa lupain, ay papatayin pagka lumapastangan sa Pangalan ng Panginoon.

17. At ang manakit ng malubha sa kanino mang tao, ay papataying walang pagsala;

18. At ang manakit ng malubha sa isang hayop ay magpapalit: hayop kung hayop.

19. At kung ang sinoman ay makasakit sa kaniyang kapuwa: ayon sa ginawa niya ay gayon ang gagawin sa kaniya;

20. Bugbog kung bugbog, mata kung mata, ngipin kung ngipin: ayon sa kaniyang pagkasakit sa tao, ay gayon din ang gagawin sa kaniya.

21. At ang pumatay ng isang hayop ay magpapalit, at ang pumatay sa isang tao ay papatayin.

22. Magkakaroon kayo ng isa lamang kautusan sa taga ibang bayan, na gaya sa tubo sa lupain: sapagka't ako ang Panginoon ninyong Dios.

23. At nagsalita si Moises sa mga anak ni Israel at siya na nanglait ay inilabas nila sa kampamento, at siya'y pinagbatuhanan ng mga bato. At ginawa ng mga anak ni Israel, ayon sa iniutos ng Panginoon kay Moises.

About Levitico Chapter 24

Read Levitico Chapter 24 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Levitico in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Levitico
Chapter: 24
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Levitico. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Levitico Chapter 24 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Levitico Chapter 24?

Levitico Chapter 24 is part of the Book of Levitico in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Levitico Chapter 24 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Levitico

  1. Levítico Chapter 3
  2. Levitico Chapter 13
  3. Levítico Chapter 6
  4. Levitico Chapter 6
  5. Levítico Chapter 18
  6. Levitico Chapter 17
  7. Levitico Chapter 15

Explore More from Lumang Tipan

  1. Isaias Chapter 61
  2. Mga Kawikaan Chapter 21
  3. Job Chapter 16
  4. 1 Samuel Chapter 12
  5. Deuteronomio Chapter 3
  6. Genesis Chapter 24
  7. Awit ni Solomon Chapter 4

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 69
  2. Malakias Chapter 2
  3. Lucas Chapter 22
  4. Mangangaral Chapter 2
  5. Marcos Chapter 8
  6. 2 Samuel Chapter 12
  7. Mga Hukom Chapter 13
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *