Levitico Chapter 1

For English

Read Levitico Chapter 1 Online

Read Levitico Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Levitico in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Levitico and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Levitico 1

Kabanata 1

1. At tinawag ng Panginoon si Moises at sinalita sa kaniya mula sa tabernakulo ng kapisanan, na sinasabi,

2. Salitain mo sa mga anak ni Israel at sabihin mo sa kanila, Pagka ang sinoman sa inyo ay naghahandog ng alay sa Panginoon, ang ihahandog ninyong alay ay galing sa mga hayop, sa mga bakahan at sa kawan.

3. Kung ang kaniyang alay ay handog na susunugin na kinuha sa bakahan, ang ihahandog niya'y isang lalake na walang kapintasan: sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan ihahandog niya, upang tanggapin sa harap ng Panginoon.

4. At ipapatong niya ang kaniyang kamay sa ulo ng handog na susunugin; at tatanggapin sa ikagagaling niya, upang gumawa ng pakikipagkasundo sa kaniya.

5. At kaniyang papatayin ang guyang toro sa harap ng Panginoon: at ang mga anak ni Aaron, ang mga saserdote, ay siyang mangaghaharap ng dugo at iwiwisik ang dugo sa palibot ng dambana na nasa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan.

6. At lalaplapin ang handog na susunugin, at kakatayin.

7. At ang mga anak ni Aaron na saserdote ay magsisipaglagay ng apoy sa ibabaw ng dambana, at magsisipagayos ng kahoy sa apoy;

8. At aayusin ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang mga pinagputolputol, ang ulo, at ang taba, sa kahoy na nakapatong sa apoy na nasa ibabaw ng dambana:

9. Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa, ay huhugasan niya ng tubig. At susunugin ng saserdote ang kabuoan sa ibabaw ng dambana na pinakahandog na susunugin, isang handog nga na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

10. At kung ang kaniyang alay ay kinuha sa kawan, sa mga tupa, o sa mga kambing, na pinakahandog na susunugin; ang kaniyang ihahandog ay isang lalaking walang kapintasan.

11. At kaniyang papatayin sa dakong hilagaan ng dambana, sa harap ng Panginoon: at iwiwisik ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote, ang dugo niyaon sa ibabaw ng dambana sa palibot.

12. At kaniyang kakatayin pati ang ulo, at ang taba; at mga iaayos ng saserdote sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy sa ibabaw ng dambana;

13. Datapuwa't ang mga lamang loob at ang mga paa ay huhugasan ng tubig. At ihahandog ng saserdote ang kabuoan, at susunugin sa dambana: isa ngang handog na susunugin na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

14. At kung ang kaniyang alay sa Panginoon ay handog na susunugin na mga ibon, ang ihahandog nga niyang alay ay mga batobato o mga inakay ng kalapati.

15. At dadalhin ng saserdote sa dambana, at pupugutan ng ulo yaon, at susunugin sa ibabaw ng dambana; at ang dugo'y pipigain sa tabi ng dambana:

16. At aalisin niya ang butsi pati ang mga balahibo, at ihahagis sa tabi ng dambana, sa dakong silanganan, sa kinalalagyan ng mga abo:

17. At babaakin na hahawakan sa mga pakpak, datapuwa't hindi pakakahatiin. At susunugin ng saserdote sa ibabaw ng dambana, sa ibabaw ng kahoy na nasa apoy: isa ngang handog na susunugin, na isang handog na pinaraan sa apoy na pinakamasarap na amoy sa Panginoon.

About Levitico Chapter 1

Read Levitico Chapter 1 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Levitico in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Levitico
Chapter: 1
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Levitico. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Levitico Chapter 1 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Levitico Chapter 1?

Levitico Chapter 1 is part of the Book of Levitico in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Levitico Chapter 1 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Levitico

  1. Levítico Chapter 3
  2. Levitico Chapter 13
  3. Levitico Chapter 6
  4. Levítico Chapter 18
  5. Levítico Chapter 6
  6. Levitico Chapter 17
  7. Levitico Chapter 15

Explore More from Lumang Tipan

  1. Job Chapter 23
  2. 1 Samuel Chapter 20
  3. Mga Awit Chapter 138
  4. Mga Bilang Chapter 21
  5. Job Chapter 32
  6. Exodo Chapter 13
  7. Isaias Chapter 56

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 6
  2. 1 Juan Chapter 4
  3. Mateo Chapter 24
  4. Mga Awit Chapter 85
  5. Deuteronomio Chapter 9
  6. Ezekiel Chapter 1
  7. 1 Cronica Chapter 26
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *