Roma Chapter 13

For English

Read Roma Chapter 13 Online

Read Roma Chapter 13 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Roma in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Roma and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Roma 13

Kabanata 13

1. Ang bawa't kaluluwa ay pasakop sa matataas na kapangyarihan: sapagka't walang kapangyarihan na hindi mula sa Dios; at ang mga kapangyarihang yao'y hinirang ng Dios.

2. Kaya nga't ang sumasalangsang sa kapangyarihan, ay sa utos ng Dios sumasalangsang: at ang mga nagsisalangsang ay magsisitanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

3. Sapagka't ang mga pinuno ay hindi kilabot sa gawang mabuti, kundi sa masama. At ibig mo bagang mawalaan ng takot sa may kapangyarihan? gawin mo ang mabuti, at magkakamit ka ng kapurihan sa kaniya:

4. Sapagka't siya'y ministro ng Dios sa ikagagaling mo. Datapuwa't kung ginagawa mo ang masama, ay matakot ka; sapagka't hindi walang kabuluhan ang pagdadala niya ng tabak: sapagka't siya'y ministro ng Dios, tagapaghiganti sa ikagagalit sa gumagawa ng masama.

5. Kaya nga't dapat na kayo'y pasakop, hindi lamang dahil sa kagalitan, kundi naman dahil sa budhi.

6. Sapagka't dahil dito ay nagsisipagbayad naman kayo ng buwis; sapagka't sila'y mga tagapangasiwa ng paglilingkod sa Dios, na nagsisipamahalang walang patid sa bagay na ito.

7. Ibigay ninyo sa lahat ang sa kanila'y nararapat: buwis sa dapat buwisan; ambag sa dapat ambagan; takot sa dapat katakutan; puri sa dapat papurihan.

8. Huwag kayong magkautang ng ano pa man sa kanino man, maliban na sa mangagibigan kayo: sapagka't ang umiibig sa kaniyang kapuwa'y nakaganap na ng kautusan.

9. Sapagka't ito, Huwag kang mangangalunya, Huwag kang papatay, Huwag kang magnanakaw, Huwag kang mananakim, at kung mayroon pang ibang utos, ay nauuwi sa salitang ito, sa makatuwid baga'y Ibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng sa iyong sarili.

10. Ang pagibig ay hindi gumagawa ng masama sa kaniyang kapuwa: ang pagibig nga ay siyang katuparan ng kautusan.

11. At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.

12. Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.

13. Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.

14. Kundi bagkus isakbat ninyo ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.

About Roma Chapter 13

Read Roma Chapter 13 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Roma in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Roma
Chapter: 13
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Roma. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Roma Chapter 13 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Roma Chapter 13?

Roma Chapter 13 is part of the Book of Roma in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Roma Chapter 13 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Bagong Tipan

  1. Pahayag Chapter 15
  2. Pahayag Chapter 2
  3. Pahayag Chapter 13
  4. Pahayag Chapter 12
  5. Pahayag Chapter 6
  6. Pahayag Chapter 3
  7. Pahayag Chapter 16

Explore More from Roma

  1. Roma Chapter 11
  2. Roma Chapter 16
  3. Roma Chapter 4
  4. Roma Chapter 10
  5. Roma Chapter 5
  6. Roma Chapter 3
  7. Roma Chapter 7

Related Chapters & Readings

  1. 2 Samuel Chapter 20
  2. Levitico Chapter 2
  3. Job Chapter 23
  4. Mikas Chapter 6
  5. Josue Chapter 4
  6. Ezekiel Chapter 24
  7. Ezekiel Chapter 21
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *