Filipos Chapter 2

For English

Read Filipos Chapter 2 Online

Read Filipos Chapter 2 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Filipos in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Filipos and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Filipos 2

Kabanata 2

1. Kaya nga kung mayroong anomang kasiglahan kay Cristo, kung mayroong anomang kaaliwan ng pagibig, kung mayroong anomang pakikisama ng Espiritu, kung mayroong anomang mahinahong awa at habag,

2. Ay lubusin ninyo ang aking katuwaan, upang kayo'y mangagkaisa ng pagiisip, mangagtaglay ng isa ring pagibig, na mangagkaisa ng akala, at isa lamang pagiisip;

3. Na huwag ninyong gawin ang anoman sa pamamagitan ng pagkakampikampi o sa pamamagitan ng pagpapalalo, kundi sa kababaan ng pagiisip, na ipalagay ng bawa't isa ang iba na lalong mabuti kay sa kaniyang sarili;

4. Huwag tingnan ng bawa't isa sa inyo ang sa kaniyang sarili, kundi ang bawa't isa naman ay sa iba't iba.

5. Mangagkaroon kayo sa inyo ng pagiisip, na ito'y na kay Cristo Jesus din naman:

6. Na siya, bagama't nasa anyong Dios, ay hindi niya inaring isang bagay na nararapat panangnan ang pagkapantay niya sa Dios,

7. Kundi bagkus hinubad niya ito, at naganyong alipin, na nakitulad sa mga tao:

8. At palibhasa'y nasumpungan sa anyong tao, siya'y nagpakababa sa kaniyang sarili, na nagmasunurin hanggang sa kamatayan, oo, sa kamatayan sa krus.

9. Kaya siya naman ay pinakadakila ng Dios, at siya'y binigyan ng pangalang lalo sa lahat ng pangalan;

10. Upang sa pangalan ni Jesus ay iluhod ang lahat ng tuhod, ng nangasa langit, at ng nangasa ibabaw ng lupa, at ng nangasa ilalim ng lupa,

11. At upang ipahayag ng lahat ng mga dila na si Jesucristo ay Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Dios Ama.

12. Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging pagsunod, na hindi lamang sa harapan ko, kundi bagkus pa ngayong ako'y wala, ay lubusin ninyo ang gawain ng inyong sariling pagkaligtas na may takot at panginginig;

13. Sapagka't Dios ang gumagawa sa inyo maging sa pagnanasa at sa paggawa, ayon sa kaniyang mabuting kalooban.

14. Gawin ninyo ang lahat ng mga bagay na walang mga bulungbulong at pagtatalo:

15. Upang kayo'y maging walang sala at walang malay, mga anak ng Dios na walang dungis sa gitna ng isang lahing liko at masama, na sa gitna nila'y lumiliwanag kayong tulad sa mga ilaw sa sanglibutan,

16. Na nagpapahayag ng salita ng kabuhayan; upang may ipagkapuri ako sa kaarawan ni Cristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.

17. Oo, kahit ako'y maging hain sa paghahandog at paglilingkod ng inyong pananampalataya, ako'y nakikipagkatuwa, at nakikigalak sa inyong lahat:

18. At sa ganyan ding paraan kayo'y nakikipagkatuwa naman, at nakikigalak sa akin.

19. Datapuwa't inaasahan ko sa Panginoong Jesus na suguing madali sa inyo si Timoteo, upang ako naman ay mapanatag, pagkaalam ko ng inyong kalagayan.

20. Sapagka't walang taong katulad ko ang pagiisip na magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan.

21. Sapagka't pinagsisikapan nilang lahat ang sa kanilang sarili, hindi ang mga bagay ni Jesucristo.

22. Nguni't nalalaman ninyo ang pagkasubok sa kaniya na gaya ng paglilingkod ng anak sa ama, ay gayon naglilingkod siyang kasama ko sa ikalalaganap ng evangelio.

23. Siya nga ang aking inaasahang suguin madali, pagkakita ko kung ano ang mangyayari sa akin:

24. Datapuwa't umaasa ako sa Panginoon, na diya'y makararating din naman akong madali.

25. Nguni't inakala kong kailangang suguin sa inyo si Epafrodito, na aking kapatid at kamanggagawa, at kapuwa kawal at inyong sugo at katiwala sa aking kailangan.

26. Yamang siya'y nananabik sa inyong lahat, at totoong siya'y namanglaw, sapagka't inyong nabalitaan na siya'y may-sakit:

27. Katotohanan ngang nagkasakit siya na malapit na sa kamatayan: nguni't kinahabagan siya ng Dios; at hindi lamang siya kundi pati ako, upang ako'y huwag magkaroon ng sapinsaping kalumbayan.

28. Siya nga'y sinugo kong may malaking pagpipilit, upang, pagkakitang muli ninyo sa kaniya, kayo'y mangagalak, at ako'y mabawasan ng kalumbayan.

29. Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon ng buong galak; at ang gayon ay papurihan ninyo:

30. Sapagka't dahil sa pagpapagal kay Cristo ay nalapit siya sa kamatayan, na isinasapanganib ang kaniyang buhay upang punan ang kakulangan sa inyong paglilingkod sa akin.

About Filipos Chapter 2

Read Filipos Chapter 2 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Filipos in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Filipos
Chapter: 2
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Filipos. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Filipos Chapter 2 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Filipos Chapter 2?

Filipos Chapter 2 is part of the Book of Filipos in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Filipos Chapter 2 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Bagong Tipan

  1. Pahayag Chapter 13
  2. Pahayag Chapter 12
  3. Pahayag Chapter 3
  4. Pahayag Chapter 16
  5. Pahayag Chapter 15
  6. Pahayag Chapter 14
  7. Pahayag Chapter 6

Explore More from filipos

  1. Filipos Chapter 1
  2. Filipos Chapter 1
  3. Filipos Chapter 3
  4. Filipos Chapter 3
  5. Filipos Chapter 4
  6. Filipos Chapter 4
  7. Filipos Chapter 2

Related Chapters & Readings

  1. Zacarias Chapter 3
  2. Genesis Chapter 28
  3. Isaias Chapter 60
  4. 1 Tesalonica Chapter 3
  5. Josue Chapter 8
  6. Mga Gawa Chapter 10
  7. 1 Mga Hari Chapter 20
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *