1 Pedro Chapter 3

For English

Read 1 Pedro Chapter 3 Online

Read 1 Pedro Chapter 3 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of 1 Pedro in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of 1 Pedro and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

1 Pedro 3

Kabanata 3

1. Gayon din naman, kayong mga asawang babae, pasakop kayo sa inyong sarisariling asawa; upang, kung ang ilan ay hindi tumalima sa salita, ay mangahikayat ng walang salita sa pamamagitan ng ugali ng kanikaniyang asawang babae;

2. Sa pagkamasid nila ng inyong ugaling mahinhin na may takot.

3. Na huwag sa labas ang kanilang paggayak na gaya ng pagpapahiyas ng buhok, at pagsusuot ng mga hiyas na ginto, o pagbibihis ng maringal na damit;

4. Kundi ang pagkataong natatago sa puso na may damit na walang kasiraan ng espiritung maamo at payapa, na may malaking halaga sa paningin ng Dios.

5. Sapagka't nang unang panahon, ay ganito naman nagsigayak ang mga babaing banal na nagsiasa sa Dios, na pasakop sa kanikaniyang asawa;

6. Na gaya ni Sara na tumalima kay Abraham, na kaniyang tinawag na panginoon: na kayo ang mga anak niya ngayon, kung nagsisigawa kayo ng mabuti, at di kayo nangatatakot sa anomang kasindakan.

7. Gayon din naman kayong mga lalake, magsipamahay kayong kasama ng inyo-inyong asawa ayon sa pagkakilala, na pakundanganan ang babae, na gaya ng marupok na sisidlan, yamang kayo nama'y kasamang tagapagmana ng biyaya ng kabuhayan: upang ang inyong mga panalangin ay huwag mapigilan.

8. Katapustapusan, kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, mangagibigang tulad sa magkakapatid, mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:

9. Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, o ng alipusta ang pagalipusta; kundi ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.

10. Sapagka't, Ang magnais umibig sa buhay, At makakita ng mabubuting araw, Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama, At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:

11. At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti; Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.

12. Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid, At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing: Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.

13. At sino ang sa inyo ay aapi, kung kayo'y mapagmalasakit sa mabuti?

14. Datapuwa't kung mangagbata kayo ng dahil sa katuwiran ay mapapalad kayo: at huwag kayong mangatakot sa kanilang pangtakot, o huwag kayong mangagulo;

15. Kundi inyong ariing banal si Cristo na Panginoon sa inyong mga puso: na lagi kayong handa ng pagsagot sa bawa't tao na humihingi sa inyo ng katuwiran tungkol sa pagasang nasa inyo, nguni't sa kaamuan at takot:

16. Na taglay ang mabuting budhi; upang, sa mga bagay na salitain laban sa inyo, ay mangapahiya ang nagsisialipusta sa inyong mabuting paraan ng pamumuhay kay Cristo.

17. Sapagka't lalong magaling, kung gayon ang iniibig ng kalooban ng Dios na kayo'y mangagbata dahil sa paggawa ng mabuti kay sa dahil sa paggawa ng masama.

18. Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu;

19. Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan,

20. Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig:

21. Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo;

22. Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.

About 1 Pedro Chapter 3

Read 1 Pedro Chapter 3 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of 1 Pedro in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: 1 Pedro
Chapter: 3
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading 1 Pedro. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading 1 Pedro Chapter 3 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is 1 Pedro Chapter 3?

1 Pedro Chapter 3 is part of the Book of 1 Pedro in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete 1 Pedro Chapter 3 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from 1-pedro

  1. 1 Pedro Chapter 4
  2. 1 Pedro Chapter 5
  3. 1 Pedro Chapter 1
  4. 1 Pedro Chapter 3
  5. 1 Pedro Chapter 2
  6. 1 Pedro Chapter 1
  7. 1 Pedro Chapter 4

Explore More from Bagong Tipan

  1. Juan Chapter 15
  2. Hebreo Chapter 12
  3. Santiago Chapter 2
  4. Mga Gawa Chapter 12
  5. Marcos Chapter 3
  6. Mga Gawa Chapter 24
  7. 2 Pedro Chapter 2

Related Chapters & Readings

  1. Mga Awit Chapter 33
  2. Efeso Chapter 3
  3. Genesis Chapter 25
  4. Mga Gawa Chapter 6
  5. Mga Bilang Chapter 25
  6. Oseas Chapter 1
  7. 2 Cronica Chapter 10
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *