Josue Chapter 3

For English

Read Josue Chapter 3 Online

Read Josue Chapter 3 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Josue in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Josue and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Josue 3

Kabanata 3

1. At bumangong maaga si Josue sa kinaumagahan; at sila'y umalis sa Sittim at napasa Jordan, siya at ang lahat na mga anak ni Israel; at sila'y tumigil doon bago sila tumawid.

2. At nangyari pagkatapos ng tatlong araw, na ang mga pinuno ay napasa gitna ng kampamento;

3. At sila'y nagutos sa bayan, na sinasabi, Pagka inyong nakita ang kaban ng tipan ng Panginoon ninyong Dios, at dinadala ng mga saserdote na Levita, ay kikilos nga kayo sa inyong dako at susunod doon.

4. Gayon ma'y magkakapagitan sa inyo at sa kaban ng may dalawang libong siko ang sukat: huwag ninyong lapitan, upang alamin ang daan na inyong marapat paroonan; sapagka't hindi pa ninyo nararaanan ang daang ito ng una.

5. At sinabi ni Josue sa bayan, Magpakabanal kayo; sapagka't bukas ay gagawa ng mga kababalaghan ang Panginoon sa inyo.

6. At nagsalita si Josue sa mga saserdote, na sinasabi, Buhatin ninyo ang kaban ng tipan at magpauna kayo sa bayan. At kanilang binuhat ang kaban ng tipan, at nagpauna sa bayan.

7. At sinabi ng Panginoon kay Josue, Sa araw na ito ay pasisimulan kong padakilain ka sa paningin ng buong Israel, upang kanilang makilala, na kung paanong ako'y suma kay Moises ay gayon ako sasaiyo.

8. At iyong uutusan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan, na iyong sasabihin, Pagka kayo'y dumating sa tabi ng tubig ng Jordan, ay tumigil kayo sa Jordan.

9. At sinabi ni Josue sa mga anak ni Israel, Magsilapit kayo at dinggin ninyo ang mga salita ng Panginoon ninyong Dios.

10. At sinabi ni Josue, Sa ganito ay inyong makikilala na ang buhay na Dios ay nasa gitna ninyo, at walang pagsalang kaniyang itataboy sa harap ninyo ang Cananeo, at ang Hetheo, at ang Heveo, at ang Pherezeo, at ang Gergeseo, at ang Amorrheo, at ang Jebuseo.

11. Narito, ang kaban ng tipan ng Panginoon ng buong lupa ay nagpapauna sa inyo sa Jordan.

12. Ngayon nga ay kumuha kayo ng labing dalawang lalake sa mga lipi ni Israel, na isang lalake sa bawa't lipi.

13. At mangyayari, na pagka ang mga talampakan ng mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ng Panginoon, ng Panginoon ng buong lupa, ay titigil sa tubig ng Jordan, na ang tubig ng Jordan ay mahahawi, sa makatuwid baga'y ang tubig na bumababang mula sa itaas; at magiisang bunton.

14. At nangyari nang umalis ang bayan sa kanilang mga tolda, upang tumawid sa Jordan, ay nasa unahan ng bayan ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan;

15. At nang dumating sa Jordan ang mga may dala ng kaban, at ang mga paa ng mga saserdote na nagdadala ng kaban ay nabasa sa gilid ng tubig, (sapagka't inaapawan ng Jordan ang lahat niyang pangpang sa buong panahon ng pagaani,)

16. Na ang tubig na bumababang mula sa itaas ay tumigil, at nagisang bunton na malayo sa kanila, sa Adam, na bayang nasa tabi ng Sarethan: at yaong nagsisibaba sa dagat ng Araba, na Dagat na Alat ay lubos na nahawi: at ang bayan ay tumawid sa tapat ng Jerico.

17. At ang mga saserdote na nagdadala ng kaban ng tipan ng Panginoon ay tumayong panatag sa tuyong lupa sa gitna ng Jordan; at ang buong Israel ay dumaan sa tuyong lupa, hanggang sa nakatawid na lubos sa Jordan ang buong bansa.

About Josue Chapter 3

Read Josue Chapter 3 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Josue in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Josue
Chapter: 3
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Josue. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Josue Chapter 3 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Josue Chapter 3?

Josue Chapter 3 is part of the Book of Josue in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Josue Chapter 3 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Josue

  1. Josue Chapter 1
  2. Josue Chapter 4
  3. Josue Chapter 2
  4. Josue Chapter 18
  5. Josue Chapter 9
  6. Josue Chapter 19
  7. Josue Chapter 17

Explore More from Lumang Tipan

  1. Jeremias Chapter 9
  2. Isaias Chapter 42
  3. Mga Awit Chapter 143
  4. Job Chapter 40
  5. Isaias Chapter 19
  6. Oseas Chapter 11
  7. Levitico Chapter 11

Related Chapters & Readings

  1. Mangangaral Chapter 11
  2. Mga Hukom Chapter 21
  3. 2 Pedro Chapter 3
  4. Mga Awit Chapter 126
  5. Oseas Chapter 3
  6. Mateo Chapter 18
  7. Ezekiel Chapter 23
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *