Ester Chapter 4

For English

Read Ester Chapter 4 Online

Read Ester Chapter 4 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Ester in the Old Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of Ester and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

Ester 4

Kabanata 4

1. Nang maalaman nga ni Mardocheo ang lahat na nagawa, hinapak ni Mardocheo ang kaniyang suot, at nanamit ng kayong magaspang na may mga abo, at lumabas sa gitna ng bayan, at humiyaw ng malakas at kalagimlagim na hiyaw:

2. At siya'y naparoon hanggang sa harap ng pintuang-daan ng hari: sapagka't walang makapapasok sa loob ng pintuang-daan ng hari na nakapanamit ng magaspang na kayo.

3. At sa bawa't lalawigan, na kinararatingan ng utos ng hari at ng kaniyang pasiya, ay nagkaroon ng malakas na panangisan sa gitna ng mga Judio, at ng pagaayuno, at ng iyakan at ng taghuyan; at marami ay nagsipanamit ng kayong magaspang at mga abo.

4. At ang mga dalaga ni Esther at ang kaniyang mga kamarero ay nagsiparoon, at isinaysay sa kaniya; at ang reina ay namanglaw na mainam: at siya'y nagpadala ng bihisan upang isuot ni Mardocheo, at upang hubarin ang kaniyang kayong magaspang: nguni't hindi niya tinanggap.

5. Nang magkagayo'y tinawag ni Esther si Atach, na isa sa mga kamarero ng hari, na siya niyang inihalal na magingat sa kaniya, at binilinan niyang pumaroon kay Mardocheo, upang maalaman kung ano yaon, at kung bakit gayon.

6. Sa gayo'y nilabas nga ni Atach si Mardocheo, sa luwal na dako ng bayan, na nasa harap ng pintuang-daan ng hari.

7. At isinaysay sa kaniya ni Mardocheo ang lahat na nangyari sa kaniya, at ang lubos na kabilangan ng salapi na ipinangako ni Aman na ibayad sa mga ingatang-yaman ng hari hinggil sa mga Judio, upang lipulin sila.

8. Binigyan din niya siya ng salin ng pasiya na natanyag sa Susan upang lipulin sila, upang ipakilala kay Esther, at ipahayag sa kaniya: at upang ibilin sa kaniya na siya'y paroon sa hari upang mamanhik sa kaniya, at upang hingin sa kaniya, dahil sa kaniyang bayan.

9. At si Atach ay naparoon, at isinaysay kay Esther ang mga salita ni Mardocheo.

10. Nang magkagayo'y nagsalita si Esther kay Atach, at nagpasabi kay Mardocheo, na sinasabi,

11. Lahat ng lingkod ng hari at ang bayan ng mga lalawigan ng hari ay nangakakaalam, na sinoman, maging lalake o babae, na paroroon sa hari sa pinakaloob na looban, na hindi tinatawag, may isang kautusan sa kaniya, na siya'y patayin, liban yaong paglawitan ng hari ng gintong cetro, upang siya'y mabuhay: nguni't hindi ako tinawag na paroon sa hari ng tatlong pung araw na ito.

12. At isinaysay nila kay Mardocheo ang mga salita ni Esther.

13. Nang magkagayo'y pinapagbalik ng sagot sila ni Mardocheo kay Esther: Huwag mong isipin sa iyong sarili na ikaw ay makatatanan sa bahay ng hari, ng higit kay sa lahat na mga Judio.

14. Sapagka't kung ikaw ay lubos na tumahimik sa panahong ito, ay magtataglay nga ng katiwasayan at kaligtasan ang mga Judio sa ibang dako, nguni't ikaw at ang sangbahayan ng iyong magulang ay mapapahamak: at sinong nakakaalam na kung kaya ka pinasapit sa kaharian ay dahil sa bagay na ito?

15. Nang magkagayo'y nagpabalik ng sagot si Esther kay Mardocheo:

16. Ikaw ay yumaon, pisanin mo ang lahat na Judio, na nangakaharap sa Susan, at ipagayuno ninyo ako, at huwag kayong magsikain o magsiinom man na tatlong araw, gabi o araw; ako naman at ang aking mga dalaga ay mangagaayuno ng gayon ding paraan; at sa gayo'y papasukin ko ang hari, na hindi ayon sa kautusan: at kung ako'y mamatay ay mamatay.

17. Sa gayo'y yumaon si Mardocheo at ginawa ang ayon sa lahat na iniutos ni Esther sa kaniya.

About Ester Chapter 4

Read Ester Chapter 4 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of Ester in the Old Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: Ester
Chapter: 4
Testament: Old Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading Ester. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading Ester Chapter 4 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is Ester Chapter 4?

Ester Chapter 4 is part of the Book of Ester in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete Ester Chapter 4 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from Ester

  1. Ester Chapter 1
  2. Ester Chapter 5
  3. Ester Chapter 2
  4. Ester Chapter 7
  5. Ester Chapter 8
  6. Ester Chapter 4
  7. Ester Chapter 3

Explore More from Lumang Tipan

  1. 2 Cronica Chapter 21
  2. Amos Chapter 3
  3. Isaias Chapter 4
  4. Levitico Chapter 17
  5. 2 Cronica Chapter 8
  6. Habakuk Chapter 3
  7. Mga Kawikaan Chapter 9

Related Chapters & Readings

  1. Josue Chapter 14
  2. Job Chapter 7
  3. Joel Chapter 2
  4. Juan Chapter 13
  5. Levitico Chapter 12
  6. Juan Chapter 16
  7. Deuteronomio Chapter 21
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *