1 Timoteo Chapter 6

For English

Read 1 Timoteo Chapter 6 Online

Read 1 Timoteo Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of 1 Timoteo in the New Testament. Browse every verse with easy chapter navigation, continue to the next chapter, or explore the complete Book of 1 Timoteo and the Holy Bible online.

Choose a Chapter

1 Timoteo 6

Kabanata 6

1. Ang lahat ng mga alipin na nangasa ilalim ng pamatok ay ariin ang kanilang mga panginoon na karapatdapat sa buong kapurihan, upang ang pangalan ng Dios at ang aral ay huwag malapastangan.

2. At ang mga may panginoong nagsisisampalataya, ay huwag mayamot sa kanila, sapagka't sila'y pawang magkakapatid; kundi bagkus paglingkuran nila silang mabuti, sapagka't nagsisipanampalataya at mga minamahal ang mga nagsisitanggap ng kapakinabangan. Iyong ituro at iaral ang mga bagay na ito.

3. Kung ang sinoma'y nagtuturo ng ibang aral, at hindi sumasangayon sa mga salitang nakagagaling, sa makatuwid ay sa mga salita ng ating Panginoong Jesucristo, at sa aral na ayon sa kabanalan;

4. Ang gayon ay palalo, walang nalalamang anoman, kundi may-sakit sa mga usapan at mga pagtatalo, sa mga salitang pinagbubuhatan ng kapanaghilian, mga pagkakaalit, mga pagalipusta, mga masasamang akala.

5. Pagtataltalan ng mga taong masasama ang pagiisip at salat sa katotohanan, na nagsisipagakala na ang kabanalan ay paraan ng pakinabang.

6. Datapuwa't ang kabanalan na may kasiyahan ay malaking kapakinabangan:

7. Sapagka't wala tayong dinalang anoman sa sanglibutan, at wala rin naman tayong mailalabas na anoman;

8. Nguni't kung tayo'y may pagkain at pananamit ay masisiyahan na tayo doon.

9. Datapuwa't ang mga nagsisipagnasang yumaman, ay nangahuhulog sa tukso at sa silo at sa maraming mga pitang hangal at nakasasama, na siyang naglulubog sa mga tao sa kapahamakan at kamatayan.

10. Sapagka't ang pagibig sa salapi ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan; na sa pagnanasa ng iba ay nangasinsay sa pananampalataya, at tinuhog ang kanilang sarili ng maraming mga kalumbayan.

11. Datapuwa't ikaw, Oh tao, ng Dios, tumakas ka sa mga bagay na ito, at sumunod ka sa katuwiran, sa kabanalan, sa pananampalataya, sa pagibig, sa pagtitiis, sa kaamuan.

12. Makipagbaka ka ng mabuting pakikipagbaka ng pananampalataya, manangan ka sa buhay na walang hanggan, na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi.

13. Ipinagbibilin ko sa iyo sa paningin ng Dios na bumubuhay sa lahat ng mga bagay, at ni Cristo Jesus, na sa harapan ni Poncio Pilato ay sumaksi ng mabuting pagpapahayag;

14. Na tuparin mo ang utos, na walang dungis, walang kapintasan hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesucristo:

15. Na sa kaniyang kapanahunan ay ipahahayag siya, na mapalad at tanging Makapangyarihan Hari ng mga hari, at Panginoon ng mga panginoon;

16. Na siya lamang ang walang kamatayan, na nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao, o makikita man: sumakaniya nawa ang kapurihan at paghaharing walang hanggan. Siya nawa.

17. Ang mayayaman sa sanglibutang ito, ay pagbilinan mo na huwag magsipagmataas ng pagiisip, at huwag umasa sa mga kayamanang di nananatili, kundi sa Dios na siyang nagbibigay sa ating sagana ng lahat ng mga bagay upang ating ikagalak;

18. Na sila'y magsigawa ng mabuti, na sila'y magsiyaman sa mabuting gawa, na sila'y maging handa sa pamimigay, maibigin sa pamamahagi;

19. Na mangagtipon sa kanilang sarili ng isang mabuting kinasasaligan para sa panahong darating, upang sila'y makapanangan sa buhay na tunay na buhay.

20. Oh Timoteo, ingatan mo ang ipinagkatiwala sa iyo, na ilagan mo ang mga usapan na walang kabuluhan at ang mga pagsalungat ng maling tawag na kaalaman;

21. Na palibhasa'y pinaniwalaan ng ilan ay nangasinsay tungkol sa pananampalataya. Ang biyaya ay sumainyo nawa.

About 1 Timoteo Chapter 6

Read 1 Timoteo Chapter 6 online from the Holy Bible. This chapter is part of the Book of 1 Timoteo in the New Testament. Continue reading with the chapter navigation above or explore the complete book.

Book Information

Book: 1 Timoteo
Chapter: 6
Testament: New Testament

How to Read this Chapter

Use the Previous and Next Chapter buttons to continue reading 1 Timoteo. You can also adjust the font size for comfortable reading and browse other books of the Bible using the navigation links.

https://www.youtube.com/watch?v=rzsT_Q3KLzE

More Resources

Continue Reading the Bible

Continue reading 1 Timoteo Chapter 6 and explore every book, chapter and verse of the Holy Bible. Use the navigation links above and below to move through the Scriptures with ease.

Frequently Asked Questions

What is 1 Timoteo Chapter 6?

1 Timoteo Chapter 6 is part of the Book of 1 Timoteo in the Holy Bible.

Can I read this chapter online?

Yes. You can read the complete 1 Timoteo Chapter 6 online for free with easy chapter navigation.

More Chapters from 1-timoteo

  1. 1 Timoteo Chapter 1
  2. 1 Timoteo Chapter 2
  3. 1 Timoteo Chapter 4
  4. 1 Timoteo Chapter 6
  5. 1 Timoteo Chapter 5
  6. 1 Timoteo Chapter 3
  7. 1 Timóteo Chapter 6

Explore More from Bagong Tipan

  1. Juan Chapter 16
  2. Efeso Chapter 1
  3. Mateo Chapter 1
  4. Juan Chapter 9
  5. Mateo Chapter 4
  6. Mga Gawa Chapter 3
  7. 1 Corinto Chapter 4

Related Chapters & Readings

  1. 2 Mga Hari Chapter 4
  2. Exodo Chapter 19
  3. Genesis Chapter 40
  4. Mga Awit Chapter 103
  5. 1 Cronica Chapter 21
  6. 1 Mga Hari Chapter 16
  7. Ezekiel Chapter 7
Share Your Love

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *